JustAsking
Hellow mga momsh meron bang buntis na maliit lang ang tyan pero pag kabuwanan na dun na sya biglang lalaki??
sakin po nung una ang liit talaga parang busog lang pero nitong nag 6 months na biglang laki pero kung ikumpra sa ibang buntis maliit parin talaga better na maliit lang yung baby sa loob sa labas na palakihin para di mahirapan :)
Me po nung mga 5-6 months ko parang wala lang talaga hahaha. Tas nung 7 months parang busog lang daw. Then ngayong 8 months biglang laki sya. From 22 cm nung 7 mos biglang 27 cm na ngayong 8 months 🥰🙌🏼
Me po nung 1st and 2nd trime. hindi halata maliit lang tapos nung 3rd biglang booom! 😅 from 21cm to 28.5cm 😞 3.5kgs nadin si baby sa loob.
Pag FTM minsan di nahahalata mga 5 to 6 months pa daw mahahalata. Haha sakin kasi ganun din 14 weeks na ako at parang wala lanh hehe.
Yes po, same sa akin. Maraming nagsasabi na ang liit ng tyan ko pero nung malapit na akong manganak biglang lumobo.
sakin din maliit lang din kaya worried na ko mag 6 months na kasi pero sobrang liit padin. Parang busog lanh
7 months na po ako nung lumaki tyan ko, as long as healthy si baby sa loob wala namang problem
Meron talaga maliit lang magbuntis, lalo na pag payat ka talaga or first time mo magbuntis.
Kabwanan ko na next month pero mas malaki pa tyan ng kapitbahay namin sa tyan ko. 😳😂
Me 5 months pero sabi ng mga kakilala ko parang 2 months pa lng daw ang tyan ko