IE 1CM 38 Weeks And 4Days

Hellow goodpm Mga me I'm 38W4Days Na po Nag punta po ako sa lying in Kaninang Umaga 1cm napo ako ,no sign in labor Padin🥺 ano po bang dapat Gawin para bumaba na sya TAs Ma open Cervix sana Gusto kunang makaraos mga me mabigat na baby Matigas na tiyan Malikot na Baby😇 #38weeks_4days #1CM #matigasnatiyan #makaraosnasana🥺🙏 #malikotnababy🥰

8 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sakin nag stock din sa 2cm tapos nung bumalik ako nung 13 sinalpakan ako ng 3 primrose ng nag i.e sakin ayun nagtuloy hanggang 5cm diko na kinaya sakit kaya sabi ko baka pede na awa ng dyos nailabas ko baby ko ewan ano ginawa nila pero sila lang nagbutas ng panubigan ko tapos parang dinukot yung baby sa pempem ko havng umiiri ako may nagpupush din sa ibaba ng tyan ko.

Magbasa pa

38 weeks and 2days lumabas baby ko nung 13. Nung 12 nagpa IE ako 2cm pa lang pero sobrang sakit na kaya pag uwi kumain ako pinya, uminom rin ako itlog na hilaw at naglakad lakad kinabukasan 8cm nanganak na ko. Wag ka mag squat momsh kasi mangangalay hita mo, lakad lakad lang dapat.

VIP Member

not recommended po ang squat pag mataas baby lalo lang tataas. sisiksik lalo sa taas. mas okay pa din ang walking lang.

ako din 38 weks and 4 days. sumasakit tyan at likod ko naglalast sya mga 2 minutes ata tas babalik 15-20 minutes.

same tayo sis, hindi ko lang sure kung ilang cm na na kasi di pa ako nagpunta ulit sa center.

Ako sis 39 6 days 1 cm padin naglabasan na mucus at bloody show. Kaya mo yan lakad2x lang

squat sis ayan lang mapapayo ko tlaaga

Same po

Related Articles