RELACTATION

hayyy ang tagal na ng quarantine na to, 3months no work no pay, tapos may baby pa na kailangan ng gatas at diaper.. gusto ko sana nun na mag relactate kahit na matagal na nung huli ako nagpadede, 6mos si baby nun nagstop ako kse konti nalang nakukuha nya at nag back to work ako nun 3mos sya kaya siguro parang ayaw nya na gusto nya nalang sa bote... pero netong nag ecq may nakita ako na possible naman daw makapag relactate kahit matagal ka hndi nakapagpadede so gusto ko sana irty kaso wala, walang sumusuporta sakin, nanay ko mismo sabi na "nako wala ng lalabas dyan" na sinasabi ko naman na pag pinipiga ko may lumalabas, gusto ko sana ipump kaso hindi ko na alam kunh saan itinago ng nanay ko yung pump ko, kapag tinatanong ko hahanapin nya daw hindi naman hinahanap. hinanap ko na din sa lahat ng posibleng pagtaguan nya kaso wala, nawala kase dun sa pinaglalagyan ko talaga. hayyyss yung sana i encourage ka pero dini discourage ka pa, nakakalungkot, sana kung nabalik ko na ng tuloy tuloy ang gatas ko ang laking tipid at mas healthy pa sana para kay baby. everytime naman na pipisilin ko dodo ko may lumalabas na paonti onti kaso ang hirap pag kamay lang ang pangkukuha ko hndi katulad kapag yung breastpump talaga. nakakastress sa twing naiisip ko na sarili kong nanay hndi ako sinusuportahan sa ganun. pero sa asawa ko ok naman sakanya na magrelactate ako.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pag aralan mo Po Yung hand express sa YouTube for the meantime n wla kng pang pump. Sali k sa magic 8 group sa fb. Bka maka kuha ka tips.. medyo mahirap n mag relactate pag kumakain n baby Kasi d n exclusive n milk Ang food anyway Pwede p Yan tyagain mo lang..wag mo n pkinggan nag discourage sayo.

Hi mommy. Avoid stress. Nakaka cause yun para humina gatas natin. Keep on ipalatch si baby para ma stimulate. Massage mo rin palagi. Inom ka lagi water. Keep it up mommy. Kaya mo yan 🤍🦋