46 Replies
nun one time na gusto ko pa ultrasound para lang macheck si baby, nagchat ako sa OB ko and may emergency sya nun..sya pa nag suggest ng clinic na may ultrasound na hindi kailangan ng request from OB..kasi nga hindi nya ko magagawan ng request that time.. looking forward den ako lagi sa checkup namin kasi talagang gusto nya nai ease ang anxiety ng mga mommies na alaga nya..sya lang ob ko eversince kasi talagang maalaga sya
kung sa buong pregnancy mo eh hindi ka nirequire ng doktor mo to have an ultrasound then hanap ka nlng siguro ng ibang ob mhie na magiging panatag ka kasi hindi lang naman sya magtatake part sa buong pregnancy mo kundi sa panganganak at even after mong manganak may vital role din sya.. sana naiintindihan nya din na tayong mga ftm ay gustong at peace tayo lalo sa kalagayan ni baby sa loob ng tiyan natin.
You can change ob mi if hindi mo sya feel or parang off sya for you. Since first check up namin at 5 weeks preggy nagstart na mag transv ults ob ko, every second week inuultrasound nya ako to check my baby's development hanggang 11 weeks ata na thru vaginal after nun monthly check up pelvic naman kaya excited ako palagi magpacheck up kasi nakikita ko si baby at 18 weeks nalaman na namin gender ni baby
Kaloka naman yon ob bayan? Sana ok lang sya! HAHAHAHAHA. Try mo mag pa utz sa iba sis, meron naman dyan libreng utz or mura lang din naman ang utz para lang maka sure ka na safe si baby manganganak ka nalang lahat lahat ni position ni baby dimo alam bait din ng ob mo e. Buti napag tsagaan mo mag pa check up sa kanya aken yan alisan ko yan. Change ob kana bago mahuli ang lahat HAHAHAHAHA char!
ano bang klaseng ob yan...dapat nga sa kanya na mismo manggaling magpaultrasound ka dahil pwede na malaman gender at para malaman okay ba talaga si baby sa tyan mo...mga 5 months nga po pwede na e ndi para malaman gender kundi malaman natin if healthy ba or normal ba lumalaki si baby sa tyan natin...then ang ulit na po is mga 7 months for gender...ob ba talaga sya???🙄
Hi, mommy. Personal opinion lang, try to consult other OB po. Other than sa itsura ni baby, nachecheck po sa ultrasound yung laki at haba ni baby, kung normal ba yung environment nya sa loob, position ni baby at ng placenta, and may iba pang findings na si OB ang magbabasa hehe. Masaya rin po makita si baby habang inuultrasound, and para may peace of mind ka rin. 😊😘
kung ako sayo kahit last minute palit OB ako. I want someone na may care sakin at sa baby ko. kasi now pa lang na ganyan na sya how much more if nasa labor or nasa complicated situation na kayo ng baby mo? I mean, sorry ah hnd trust worthy yang OB mo. kung hnd naman problema ang pera lipat na lang. wala kang peace of mind. Mas mahala saken ung safety namin ng anak ko.
la. palit ob na. kamag anak nya ba si rudy baldwin? hahahah. paano nya nasabing okay baby mo kung di ka nagpapa ultrasound. para ka lang nagpa handle sa manghuhula at hindi sa professional OB. Ako nga monthly nagpapa ultrasound pero napapraning padin, kung pwede nga lang every week ako magpa ultrasound e. Dr. quack quack ata ob mo mamsh.
Napakaimportante po ng ultrasound para makita po ang lagay ni babt.katulad po ako kng di po ako naultrasound di q po malalaman na my problem pala aq sa matris at placenta.kailangan pala maiging pag-iingat dhil rare case ang nangyari sa akin.pasalamat nlang talaga aq kc my ultrasound
Try ka sa ibang OB, sis. Yung OB ko nung tinanong ko kung pwede magpaultrasound, walang problema sa kanya. Pero inischedule nya ko ng ultrasound sa 24th week ko which is next week na :) Healthy din naman si baby based kay doc, pero di nya ko pinagbawalan magpaultrasound.
Jessalyn Yutrago