Pagbalik ko sa pagduwal duwal, hanggang kailan matatapos?

Hanggang kailan po ba ang pagduduwal ng isang buntis? 13weeks na po kong buntis. Actually nakaraan po tumigil na yung pagduwal duwal ko. Kaya lang po nang may naamoy na naman po akong di kaaya-aya e bumalik na naman po sa pagduduwal ko ng ilang araw na. Nahihirapan na po ako kasi wala po talaga kong sinusuka as in naduduwal lang po talaga. At kada naduduwal po ako mas gusto ko po yung maasim na food ang kakainin ko. Laging ganito po senaryo ko pag may napanood ako or may naamoy na di kaaya-aya e magtatagal na naman yung pagduduwal duwal ko. Sobrang hirap na po ko dahil as a mom po never ko po naranasan yung ganito sa una at pangalawa ko, ngayon lang po talaga kaya wala po akong idea pano po sya maiiwasan Salamat po sa sasagot.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Usually po sa first trimester lang po nararamdaman ang morning sickness, nausea etc. After 3 months magiging okay ka na po. Pero, iba iba. May mga buntis na throughout pregnancy may morning sickness. May iba naman na never nagkaka morning sickness.

2mo ago

ayun nga po e, pangatlong baby ko na po ito and first time ko maging ganito kaya wala po tlga kong idea kung ano mga dapat gawin or iwasan. grabe po kasi yung nararamdaman ko kaya nagtanong na po ako dito di po kasi ako nasanay since sa dalawa ko pong anak never naman ako po nagka morning sickness. thank you po sa sagot