HAND FOOT AND MOUTH DISEASE

Haiy, 11 o’clock na ng gabi as I was posting this. Hindi pa ako tapos sa gawain sa kusina at hindi pa ako naliligo. Yung asawa ko night shift kaya wala talaga akong katulong. Yung anak ko natulog nang maaga pero maya’t maya nagigising dahil sa nararamdaman. Apparently, nilagnat sya nang sobrang taas na first time nangyari sa amin. Ever ready naman ako para sa supirine in case tumaas. Puzzled kami anong reason bat nilagnat. The next day, may mga lumabas na red spots. Una sa braso lang. nagdevelop at nagmukhang rashes. Next thing i know lahat ng singit meron na. Nagsuspect nko ng chicken pox or HFMD. After online consultation, CONFIRMED HFMD nga kasi pati sa bibig meron na din. Mabuti na lang malakas kumain ang anak ko. Dumedede din sa akin at sa bote. Masigla. Pero usually daw kapag may HFMD, hnd makakakain ang bata dahil sa mga singaw sa bibig. Aagapan din ang dehydration o pneumonia kaya painumin ng tubig parati. Hindi na din sya nilalagnat kaso lagi syang nangangati. Angbrelief lang nya ay calming lotion at dede kay nanay. Haiy. Just want to vent out. Haiyy.

HAND FOOT AND MOUTH DISEASE
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

hope you're LO is all better now.💙♥

hugs mommy..

Post reply imageGIF