plss enlighten me mga sis
Haist ano pa po bang pwedeng gawin sa pamilya ng asawa ko??? Hindi kami makabukod kasi nag aaral asawa at graduate na sya sa march kaya pinush na namin. Ngayon pamilya nya grabe as in grabe sa pagkaduguyot naturingan na may pera at malinis sa katawan pero sa bahay mapapa enhale exhale ka nalang po.. Sino po matutuwa umaga at hapon kana naglilinis pero parang nasa pateros ka sobrang daming kalat! Daga dito daga dun linis ako ng linis para kahit papaano mawala yung daga kalat naman sila ng kalat( may instant yaya sila) Pinaglutuan nila pinagkainan nakatambak lang sa lababo ay walang gagalaw nun sa kanila minsan nilalagay pa nila sa higaan nila bahala na si batman ano mangyayare.. Papasok ka ng bahay maasim na amoy patay na daga. Kaya po kapag andito asawa ko tΓ²do linis ako tapos nag spray din ako pinapalabas ko sila. Kapag hindi ako naglinis kawawa baby ko marami syang sakit na makukuha. Dugyot kaya kapag malayo mabango sila tingnan pero kapag katabi mo na haizt san basurahan sila natuloy at yung amoy kumapit na sa kanila. Kinausap narin po sila ng asawa ko pero wala din