married life

Hai po mga momshie,.. Cno po ba dito ung hindi kontento sa married life kasi po isa na po ako don pero mahal na mahal ko ung mga anak ko, parental married po kami kasi isa po akong muslim, di po kami nag kakilala og nagtxtmate ng asawa ko pero mabait naman po xa kaso lang ung gusto ko sa lalaki wala sa kanya, ung pag lage kaming nag aaway lage ko siyang sinisisi.. Minsan naawawa narin ako sa kanya kasi ni minsan po di niya ako pinag taasan ng boses o binuhatan ng kamay.. Hingi po sana ako ng advice kung ano po dapat kung gawin..salamat

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Para sakin po swerte na kung makahanap ka ng lalaking mabait, hindi nanakit o pinagtataasan ka ng boses. You should learn to love him, kasi nakabuo nga kayo ng pamilya eh. Unfair naman po kasi at nagkaanak kayo pero hindi mo siya mahal. Wala man sa partner mo yung mga katangian na gusto mo, pero nasa kanya yung kailangan mo. Minsan hindi natin nabibigyang atensyon yung mga kailangan natin dahil focused tayo sa gusto lang natin without knowing na mas importante yung kailangan na'tin. Wag mo na pong hayaan magkasala ka, bigyan mo ng pagkakataon yung sarili mong mas kilalanin pa siya at maging bukas yung puso mo na mahalin siya.

Magbasa pa