Second baby 6weeks preggy and has 1yr old and 1month

Hi haha magulo isip ko ngayon and iwanna clear my mind buntis po ulit ako pero kaka 1yrs old lang ng una kong baby nung august 24 sobrang gulo ng isip ko sabi sa ultrasound ko 6weeks pregnant ako:( and di pako ready kasi ngayon palang ako nabawi ng pag aayos ko sa sarili ko gusto ko sana magawan ng paraan yung dinadala ko ngayon kasi di pako ready ulit na manganak lahat mapuyat ulit since kaka 1yr old lang ng baby ko and I really extremely feel postpartum depression sa baby ko until now how could i handle this situation nagiingat namna kami ng partner ko please wag nyoko I judge gusto ko lang malinawan isip ko sa mga decision ko sa buhay:( and sabi ng ob ko na mahina ang kapit ng pangalawa baby ko sa tyan ko ngayon dont know what to do please help me:((( 17 yrs old lang po ako now nabuntis ako sa first born ko 15:( and I actually think that abortion is not really a bad thing to do kasi mas masama naman kung magsilang ng sumpling ng di pa financially stable #advicepls #pleasehelp

Second baby 6weeks preggy and has 1yr old and 1month
51 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako 19 yrs old plang teen mom ika nga nila,, d planado ang pagkakaroon ko ng baby kase ang bata ko pa kahit nsa legal age nako kumbaga not ready dhil nag aaral pa , oo my alm ako sa pag aalaga ng baby panganay ako at pito kami magkkapatid kaya danas kona magalaga ng bata at alm ko mgiging responsabale nmn ako kaya lang iniisip ko future ng bata at syempre ung iisipin ng magulang ko at the very young age nabuntis ako, So eto na ung plano ko dhil na stress ako at sobrang frustrated dko na alm ang ggwin nung nlaman kong buntis ako balak ko syang ipalaglag , nkokosensya ako bat need ko gawin kase ayokong sya isilang sa magulong sitwasyon , kaya nag search ako sa YouTube ng pampalaglag tas my nbsa akong nag comment dun na nagbbenta sya pm lang dw skanya kaya dali2 akong nagpm sa fb nya legit nga my pampalaglag sya my kamahalan 4500 ung need ko dhil duda ko na 4 months na ung tyan ko so ayun usap usap kami dami nming napagusapan kung ano ggwin tas my gc pa sila sa mga nakabili na ung iba dun nagpalaglag na kase kita ko pic team successful pa nga ung name ng gc , naawa ako sa mga nalaglag na bata pero tinatgan ko loob ko sabi ko need ko toh , tas si mama duda na my hinala na sya na buntis ako dhil. 5 months na kong d nireregla after 1 month d prin ako nkkabili ng gamot nag decide ako na tig 5500 naung bilin ko kase 1month na nakalipas so 5 months na tyan ko pero ung boyfie ko kulang pa ung pera , pero lam ko na d sya nagseseryoso sa pag iipon , gusto nya sana wag na ipalaglag ako lng nmn my gusto , sabi nya mas pagbubutihin panya pra samin ng baby, pero sabi ko ayoko need kong gawin un pra din nmn sa baby ayoko syang mahirapan , pero deep inside nkokosensya nko simulan nung my gumalaw sa tiyan ko tas naiiyak nlng ako at sinasabi ko im sorry baby. need ko tlgang gawin ,. so ayun everyday stress ako tas pinipilit nko ng bf ko na wag na ituloy harapin dw l nmin ng magkasama sya dw bhla kase hinawakan nya tyan ko at gumGalaw si baby very active. fast forward..... ilang arw pa dna ko nakabili ng gamot prang laging my pumipigil sakin. tas isang arw si mama nag tanong na as in kase nung nkraan once nag deny ako na my nangyari samin ng bf ko . kaya wla nko nagawa na that day sinabi ko na and then ayun nagkaalaman na pero d nmn nagkagulo as in na un ang inexpect ko dhil ganun sila mama kaya kabado ako alm ko na disappoint sila sakin pero dpa nmn dun ung ending ng buhay ko noh , tska sabi ng bf ko nag promise sya na pagaaralin nlng nya ko habng nag work sya kase financially wla den ung family ko . ang lesson dto sa mahaba kong storya , wag agad mag isip ng negative kase si god sya tlga ung center ng lahat ng toh as in sya ung pumigil saken kase nung una parang ttalikod nko sa knya kase alm ko mgging msama nko dhil magppalaglag ako prng wla nkong silbi sa knya , pero sya ung gumwa ng way pra d ako magkasala , nung una nagipit kmi 2 times pa eh stable nmn work ng bf ko tas ung monther ko sya gumwa ng way nag magsabi ako at mahinahon sya take note lagi un pabulyaw, at si papa kala ko magwawala kase expected ko un dhil malala galit nun , siguro dhil sobrang bait ng bf ko dagdag mona ung pag respeto nya at sobrang komportable n tao si god ung naghelp sa kin sa pregnancy journey ko mag naging strong pako ngaun kala ko dko kaya alm ko d naging madali lahat dumaan prin ako sa stress at my postpartum depression nung nanganak nako nung sept 10 ,2 weeks na sya baby girl ang baby ko sobrang cute nya my angel thank god anjan sya lagi trust him always mas mabuti paden ang plano nya sayo , mag pray at kausapin sya have faith lang♥️❤️un lang thank u sa pagbasa kung tinapos mo ito🥰kase mahaba😅🤍🤍❤️❤️

Magbasa pa

please lang po wag mo gawin na ipaabort ang bata nakakaawa po kasi na gusto nya po mabuhay..tandaan mo di din sya ready na mabuhay jan sa sinapupunan mo sa tingin mo ba pag nakakapili ang mga baby ng magulang nila sa tinginmpag nalaman nila agad na ganyan ang nakatakda na iniisip mo sa tingin mo matutuwa din sila? tandaan mo po na si Lord ang nagbigay nyan at dahil ginawa nyo din naman po yan oo nagiingat po kayo pero nasan ang pagiingat doon? everytime na nagcocomment ako dito palagi ako nakaanonynous at.palagi akoabaitagcomment pero this i just want you to know na di maganda ang naiisip mo.. wala syang kalaban laban sayo at sa mga plans mo.. ingatan mo sarili mo kung ganyan sitwasyon mo lumapit ka sa mga magulang mo or sa magulang ng husband mompara massist ka nila ng sa ganon di ka mahirapan..umpisa pa lang dapat alam nyo na yan di na muna sana kayo gumawa ng bagay na alam mo nyo na mahirap.. MAS PAGSISISIHAN MO PO PAG PINALAGLAG MO YAN HABANG BUHAY..alamo I'm fighting din po ng depression matagal na years na po at.pinipilit ko kumuha ng lakas sa mga anak ko alam ko at naiintindihan ko ang sitwasyon mo ganyan din kami dati nagbubtis ako sa 1st baby ko wala kami madami ipon pero 2nd baby ko habang pinagbubuntis ko nawalan work asawa ko.. tapos nung naipanganak ko na djmating ang work nya.. makakaraos din kayo Mommy.. tapos now 3ed baby ko na ayun na sunod sunod na napromote na asawa ko.. alamo ba naisip ko na din noon na magpakamatay.. wala kami probs ng asawa ko ha? pero yung depression ko leads me to do thibgs na di maganda.. please po magpakatatag ka wag ka gunawa ng desiayon na pagsisisihan mo sa bandang huli please lang po

Magbasa pa

Real talk kita sis ah 1. As an adult and a parent. Mahalaga tlaga ang family plannimg lalo na if alam mo naman na hindi ka pa ready. 2. Mahina si baby mo kasi nafefeel nya na ayaw mo sknya. Tandaan na,kung ano man nafefeel naten ganun din ang baby. 3. I understand you kasi 2yrs old lang eldest namin nung nalaman ko buntis ako. Una sabi ko din hnd pa ako ready but sabi namin mag asawa kakayanin namin since ayaw namin na isang anak lang tlaga. Napaaga lang ung blessing but our second child is still a blessing to us. 4. Kapag nanganak ka na sa 2nd baby nyo make sure to use a family planning po to avoid unwanted pregnancy. 5. Talk to ur husband, Ito importante toh kasi dapat hnd lang tayong mga wife ang nakakaalam ng thoughts and feelimgs naten. Usap kayo ng asawa mo, about sa future ng family nyo. It can really help you kasi your looking forward sa paglaki ng family nyo eh. Kami mag asawa kapag magkachat ung good future ng anak namin ang topic. mga plano sa buhay. Kumbaga positive thinking lang. 6. Bottom line is ginawa nyo yan kaya panindigan nyo mag asawa.

Magbasa pa
3y ago

maintindihan ko pa if rape eh kaso adult na kayo. It means preho nyo ginusto mag sex malamang wlang protection kaya mabubuntis. San common sense mo nun. wag na iasa sa lalaki ang family planning. Kaya kht unfair sateng mga babae tayo na mag contraceptives. Kami ng asawa ko nag usap na papaligate na ako. Support nya ako kahit ano daw gusto ko contracepives kasi alam nya hanggang 2 lang kaya namin financially at physically.

i feel you be. My son just turned 2 last August tapos nalaman kong pregnant naman ako hahah. Honestly, I am not ready. Kahit until now 19 weeks na si Baby 2 parang hndi pa din ako ready. I know how you feel when you say ayaw mo pa " kay baby 2". I know how bad you wishes it will go away or e-removed manually . I really understand. Isang badya ata iniyak ko noong nalaman ko na preggy ako e. Given na nag iingat kami. Nagbbilang bilang pa ko sa Kalendaryo kelan safe at hndi kaso nganga. 😂 Pero you need to get your s*** together. What i mean is ung iniisip mong masama. Until now hndi ko padin alam kung ano ung dapat maramdaman kasi i never really wanted this, pero nanay tayo eh, we need to be responsible for all our actions lalo na kung may bunga na nga. I dont know for sure kung ano dapat maramdaman basta nakkita ko nalang sarili ko na uminom ng vitamins para kay baby, Nag aanum tapos nag preprenatal na din. Hahaa. Noong araw kasi na umiyak ako ng sobra tapos nakaka isip ako ng masama naramdaman ko ung baby ko, Alm mo ung kahit let go na let go kana pero sya lumalaban padin e. Kaya ilaban monlang yan. Tibayan mo lang loob mo kaya natin to. We're mothers, wala tayong hndi kaya :) Laban lang

Magbasa pa

Hi Mi... mahirap nga yang sitwasyon mo. Pero dahil nangyari na, kailangan mo nalang maging positibo sa buhay. At alam mo, may dahilan para maging positibo ka. Kase ako after 13yrs bago nasundan ang bunso namin. Wala na sana kaming planong mag anak. 8 mos na si Lo at yung dalawa brothers nya is 13 yrs old at 16 yrs old. Ang laki ng gap di ba? Pero alam mo anong narealize ko ngayon? Na maganda talaga na manganak ng bata pa kase malakas ka pa, hindi madaling mapagod at walang pang masyadong nararamdaman sa katawan. Pangalawa, ang advantage ng magkasunod ang anak, may kalaro si baby mo palagi dahil di sila nagkalayo ng age. At nakakatulong yun para di sya maging iyakin, di alagain dahil nababaling atensyon nya sa kapatid nya. Di katulad ng Lo ko walang kalaro kase mga binata na mga kuya nya. Tapos whole day sila lagi sa school. Hirap ako ngayon mag alaga ni Lo kase 38 yrs old na ako. Madami na nararamdaman sa katawan talaga compare sa unang mga anak ko di ako madali mapagod ang lakas ko pa. Tapos di mo nalang mamalayan malalaki na mga anak mo. Lilipas din yan Mi. Lagi mo iisipin temporaryo lang naman yan. Basta maging kalmado ka at laging humingi ng lakas sa Diyos para makapagpatuloy.

Magbasa pa
3y ago

opo tama po kayo dami na kasi inaaray pag nasa age ka na po.. pero nakakatuwa ang age gap ng baby nyo po..

hi mii, maybe you're not ready po physically or emotionally. But your second child is ready and wanted to be with you. God have plans for you and your growing family, baka na overwhelm ka lang kasi biglaan but always remember na may Plano ang Lord and ibinigay nya sayo yan to bless you and your family. Remember the first time nung una mong nakita ang first born mo pag labas nya? nung first time na naka aninag sya sayo ganun din sa 2nd mo at alam mo pasasalamatan ka ng first born mo dahil meron syang kasama lumaki na kapatid tapos sila yung mag tutulungan sa lahat ng hamon sa buhay. Madadagdagan ang mga taong mag mamahal sayo at tatawag sayong mama at masasabi mong sayo na hindi pwede agawin ng iba. I'm praying for your peace of mind and sa 2nd baby mo and your family. God bless you mii. God is with you.

Magbasa pa
3y ago

yes mii... usually di ako nag ko-comment but this tym mejo nasaktan ako nang maisip mong mag pa abort... ive been to that situation before kaka 1yr lang ng first bay ko then nasundan agad awa ng dios 15 and 13 years old na cla ngayon and wala talaga akong pinagsisisihan sa desisyon ko coz my in law wanted to abort my second child but i refuse kasi alam ko c God ang gumawa ng life ng baby ko and only Him can do whatever He wants... sana mii may naitulong ung comment namin sayo, this an advice from a more matured mommies... wag kang gagawa ng bagay na pag sisisihan mo lang sa huli....

nakakatuwa talagang magbasa dito😊 nkakagaan ng loob,. dahil ganyan din narramdaman ko nung nabuntis ako mi, ayoko pa sana at hnd pko ready, dahil 1yr old pa mhigit baby ko nun, at nasundan agad.,kaso sinadya ng mister ko dahil nagka problem kami nun at balak ko cyang iwanan dahil sa 3rd party, kaya nagdecide ako na iwanan cya, at ung time na un buntis na pala ako, kaya hnd ko matanggap dahil broken na broken ako nun.. depression ang inabot ko, pero bumawi ang partner ko, ginawa nya lahat para lng bumalik ung dating ako, pero never sumagi sa icip ko na ipalaglag ang baby, gusto ko lng layuan c mister., hanggang sa natanggap ko na pa unti2x at lagi kong pinagdasal nun na okay c baby, dahil umiinom ako palagi nun,at pumapayat ako dahil panay inom ko at sigarilyo, pero pinagdasal ko lng ky lord lagi na kung para talaga saken tong baby ko, healthy lng baby ko masaya na ako, ngaun happy na kami magkasama, dahil na din sa tulong ni lord na hnd nya ako pinabayaan pati c baby girl ko, now im 33weeks and 5days., thankful and blessed khit daming pagsubok sa buhay..

Magbasa pa

kakayanin mo yan. masyado ka lang nag iisip ngayon. tito ko 10 anak sunod sunod. malalaki na masaya naman sila. lahat yun unplanned. find beauty sa situation mo po ngayon, malalampasan mo din yan kasama ang mga anak mo. 💕 soon to be mama of 2 na din ako, sa sobrang likot ng eldest ko na palagi ko hinahabol kung saan saan, nangarap din ako na magka me time at makapag pampered. pero eto baby 2 is coming so zombie nanaman hehe.. looking forward na lang ako sa palaki naming pamilya, ako naman pinakamaganda ngayon sa panganay ako e. ako ang pinakamahal nya tyaka yung new baby namin sa tyan ko. super love na love. appreciate life, no matter what. kasi yang mga bata na yan, ikaw lang ang sasandalan at pinaka importanteng tao sa buhay nila. sorry na lang kung pumanget ang itsura natin, pero sa anak natin tayo ang pinaka perpekto kahit napapalo pa natin sila o nasisigawan. they don't mind it kasi bata pa sila, ganon sila ka unconditional magmahal. kaya see things positively sis, kaya mo yan. embrace your bundle of joy. God Bless your growing family. 💖

Magbasa pa

hi sis, God has a perfect plan for you and to your baby..I understand your situation kasi you are not ready mentally and physically yet at ganyan una kong naramdaman nung nalaman kong preggy ulit ako for our 2nd baby and nasa 13 weeks na ako..ung 1st born namin kaka 1yr old lang din nya nung February..si hubby ko gusto nya talaga masundan ung 1st baby namin dahil cguro sa edad..nasa 37 na kasi sya ako 34 na din..pero ako ayoko pa muna sana kasi hindi pa kami ganun kastable financially though working naman kami both..this June kakalipat lang namin sa bahay na nabili ni hubby way back 2017 sabi ko sa kanya need muna maayos ung bahay bago kami magplan ulit ng baby..9months after ko manganak nakailang do kami ni hubby without any protection..sabi ko na lang if God has a plan for us ibibigay nya sa amin pero kng hindi maybe it's not our time yet..July nalaman ko na preggy ako so sabi ko God has a perfect plan for us..sana maenlighten ka pa sa kung anong magiging desisyon mo..your baby is fighting for you, hope you will do the same ☺️

Magbasa pa

Let me be honest with you. It's not your baby's fault nor your baby didn't ask you na mabuo sya. It was you and your partner who did all the actions so then, you must face all the consequences. Yun pggng unwanted, it might be the reason kng bat mahina kapit ng baby mo. Anjan na c Baby mo, and your baby needs love, affection and acceptance. Bii, andaming babae na gusto mgkron ng baby but no matter how much they tried to have, hndi cla mabiyayaan. But you, God gave you another blessing so just accept it with all your heart. Yes , it might be not easy kasi maliit pa un eldest mo but like what I just said, anjan na c baby, and he needs your acceptance and love. Kya nyo yan. At lage mo lang dn icpn. Na kakayanin nyo yan. Have faith in Him. Di ibbgay ni Lord yan sau if He thinks you're not worthy of it. And just a piece of advice. Once manganak ka na jan.. Be sure na mag family planning na kau to avoid unwanted pregnancy. Anyway. Always keep in mind that BABY IS ALWAYS A BLESSING. God Bless

Magbasa pa