Pregnancy cravings / Food aversion

Habang nagsscroll ako sa newsfeed sa FB nakakita ko ng may nagpost ng mango crab roll kaya minessage ko agad agad yung inoorderan ko nito at nagpadeliver ako kinabukasan ng umaga. Sobrang favorite ko kasi yan, kaya kong ubusin ang isang pack nang isang upuan lang dati. Eto na nga, nadeliver na sakin. After ko kunan ng picture sinimulan ko na kainin agad agad dahil super excited ako. Pero after ko tikman, ayaw ko na. 🥺 Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko hindi ko na sya gusto. Sobrang naninibago din ako sa sarili ko dahil simula nung nabuntis ako feeling ko nawalan na ko ng cravings. Dati rati paggising ko palang sa umaga may mga food agad akong kinecrave. Mayat maya nakakaisip agad ako ng gusto kong kainin kahit di pa ko gutom. Pero ngayon madalas wala akong gana 😞 Wala man lang ako hinahanap hanap na food. Kahit yung tipong tumutunog at kumukulo na yung tyan ko wala talaga kong gana kumain. Madalas pinipilit ko na lang kumain kahit konti para makainom ako ng gamot namin ni baby. Nakakadagdag na din siguro yung pagkahilo at pagkaduwal ko kaya wala akong gana. Pero nakakamiss din pala yung may food ka na kinecrave 🥺 Yung pag kinain mo yung food na kinecrave mo sobrang satisfied ka. 😫😣

Pregnancy cravings / Food aversion
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

gnyan po talaga sis .. normal lang ..gnyan din ako dati ..