CAN'T SLEEP AT NIGHT

Guys, next week pa balik ko sa OB ko and na aalarm ako kasi ilang weeks na akong hindi nakakatulog ng maayos sa gabi. Ang tulog ko umaga at hapon. Hirap na hirap ako makatulog sa gabi, ngayon pinaka late kong tulog is 5am tapos parang umidlip lang at gigising din ng mga 7am kasi hindi ako makahanap ng maayos na pwesto kapag nakahiga sa gabi tapos pag hihiga ako para akong malulunod kasi hinahabol ko paghinga ko sa sobrang palpitations ko. Mukha na akong zombie. Tapos gising din si aling maliit sa loob pag madaling araw, hndi ko alam kung pati siya stress kasi hndi ako makatulog o hyper sya kasi balikwas ako ng balikwas sa higaan. #firsttimemom #FTM #firstbaby

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hirap talaga miiii hehe. Pero try mo ilimit muna yung tulog mo lalo sa hapon, para at night antok ka na and makatulog ka. Medyo nagiging problem ko din yan lately. Pero kasi ako naman ang nangyayari, pag uwi ko from work ng mga 6pm nakakatulog ako. So ang tendency pag sleeping time na talaga, di na ko antok. E lately andito parents ko samin, pag uwi ko di ako nalilibang ako di ako nakakatulog. Ayun medyo nakakatulog ako earlier. Tapos iwas fone ka na pag humiga ka. Akala natin pampaantok sya pero mas lalo tayo napupuyat kaka fone hehe. Tapos mi try mo mag maternity pillow super big help para sa pwesto sa pag tulog. So far sobrang comfy pag naka left side ako as long as may maternity pillow ako.

Magbasa pa

Hirap nga mii pag ang laki na ng tiyan. Kaya lang unan is the key. Need matulog kasi pag lumabas si Baby, mas mahirap kasi mas wala ng tulugan. Try mo mag explore ng position ng unan. Ako, sanay kami na kaliwang side matulog. Pero may time na sumasakit ang balakang ko. As in hirap ako makatayo kapag ccr sa madaling araw. Ayaw naman ng baby ko sa kanang side kasi pag don ako nakapaling, sipa naman ng sipa si baby. Kaya sasaglit lang ako sa kanan tas babalik ulit sa kaliwa. Hindi raw kasi okay patihayang higa. Pero malaking tulong ang maraming unan, sa gilid ng tummy, sa binti, sa likod.

Magbasa pa

hi mi, i feel you po 😔 may work ako sa umaga halos puyat din ako si makakuha ng magandang pwesto although naka maternity pillow na ako tlga. Mabigat sya at kapag si bebe nglaro sa tyan between 2am onwarda talga 🤣 babalikwas ka tlga minsan naupo ako pinpatulog ko sya pero tlgang feel nya mg bike sa loob ng tyan ng ganong time haha..minsan naiihi pero madalas nagugutom ako kapag gumagalaw sya pero mas lamang ung gusto ko tlga matulog hahaha... bawi ka nlang sa umaga mi. Masakit sa ulo ang walang tulog at pati si baby na sstress kapag wala kayong magandang pahinga.

Magbasa pa
VIP Member

danas ko yan s 3rd pregnancy ko mi. nagagalit na nga ung hubby ko sa akin. 😅 anong gagawin ko hindi talaga ako makatulog kht anong gawin ko and its very normal po mi ☺️

2y ago

Currently 27 weeks mommy! Jusko hndi ko na alam anong pwesto pa pwede ko gawin para lang makakuha ng maayos na tulog. Hirap! 😭

Manuod po kayo sa youtube kung paano ang tamang position sa pagtulog.. ako kc tulog sa gabi tulog din sa gabi😁

2y ago

Kulang nalang tumambling ako 😬😁😂