Hi guys, nakikitira ba kayo sa MIL nyo? Ano feeling now na may baby kayo? Madalas ba na sila ang nasusunod? And minsan kinukuha pa si baby sainyo? Sakanila tinatabi matulog? Wfh kasi ako, so sakanila ng 5 days and weekends sakin. Pero may time na kinukuha nila dun papatulugin. Then minsan gusto ko paliguan, pero ayaw nya baka daw kasi di ko mahawakan ng maayos, anyway turning 6 months na ang baby ko. Tapos sa pagpapakain, sya din ang nasusunod kung ano dapat ipakain. Tapos gusto ko sana i continue breastfeed ko. Di ko kasi natuloy, 1 month lang. Konti lang gatas ko tapos kapag pinapadede ko si baby nun umiiyak kasi konti nasisipsio so may back up formula. Pag umiiyak si baby nagpaparinig na sya na i formula daw nalang, tapos kahit kakalabas palang ni baby kinukuha na nya dun papatulugin sa kwarto nya kaya di ko naasikaso magpadede. Kasi nakakainis diba pano ka makakapag focus kung may nakabantay sainyo, bawat iyak sya daw ang hinahanap. Di ko nga alam kung normal pa yung ganun sa mga MIL. Unang apo kasi, kakalabas palang namin ng hospital nun sya agad ang katabi baka mabinat daw ako. Nung una naiintindihan ko pa, normal delivery din ako kaya mabilis ako naka recover. Sorry kung mahaba post ko, pero di ko sya nagegets talaga. Sobrang attached nya sa baby ko hanggang ngayon. Mommy pa ang gusto itawag sakanya. 2 days na nga lang yung full attention ko sakanya kukunin pa. Ganun din yung kapatid ng husband ko. Sobrang attached nila lahat. Minsan wala na din sa lugar, pati sa gatas na ibibigay sila namimili. Kukuha sana kami bahay ni hubby kaso nasabayan naman na may covid kaya di maasikaso. Ang hirap kumilos, minsan di ko na mahawakan baby ko. Bawal ang maling kilos kasi may masasabi sila. Naiinis pa ko kasi pinapahawakan nya sa kapitbahay namin baby ko, tapos minsan kinikiss pa sa cheeks. Diba??? Sino hindi maiinis nun. So sinabihan ko mama nya na wag ipapahalik kahit kanino, di sya kumibo. Parang nainis pa kasi pinagsasabihan ko sya. Tapos pinapalawayan pa kasi daw nababati. Jusko. Di ko na alam. Gusto ko na makaalis dito.
Anonymous