LILIPAT O HINDI?

Hi guys. I need your thoughts about this lang. Kasi naiisip kong magchange ng OB. Why? Kasi feeling ko hndi ako nasasatisfy. I mean OBs are supposed explain ba lahat everytime na magscan sila especially when check up mo na? Baka kasi ako lang mag eexpect na ganyan dapat sila. Like i have this mindset na since sila naman marunong magbasa ng ultrasound so while scanning they should explain what they see while doing it. They should tell you na, "ganto timbang ni baby" , si "baby very okay naman sa loob", "ganto na kalaki si baby" or "ito yung heartbeat ng baby" Yung OB ko kasi hndi. Basta lang makasukat walang imik imik tapos Need ko pa magtanong, or OA lang ako?

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

My OB does that. Pagkapasok mo pa lang sa clinic niya titignan niya records mo tapos sasabihin niya, "oh nasa ganitong weeks na tayo." Tapos kakamustahin ka na niya like may ineexpect siya na dapat ganito na nafifeel mo kasi nasa ganitong weeks ka na. Tapos pag nagbasa siya ng ultrasound results sinasabi niya yung needed info. Pag wala naman concern sasabihin din niya na okay naman resulta. Ganun. Then if may questions ka ask mo lang din sasagot naman. Ayun. If you want to change OBs, go po. Para po kasi sa inyo din yan. Dapat doon po kayo sa comfortable kayo. 😊

Magbasa pa
VIP Member

ako din mii e lumipat ako ng ob etong nag15wks nako so far mabait yung ob ko and makakakwentuhan ko pa during inuultrasound nya ko and matyaga syang hinanap gender ni baby nung di nya makita pinabangon muna ko to take water and yun nakita na nya,unlike sa previous na nagultrasound na pag di nakita waley na sayang na pera mo..And while chinecheck nya si baby binabnaggit lahat ung heartrate ung size ni baby if normal..Mas maganda yung comfortable ka kay ob mo kesa ganyan

Magbasa pa

pwede ka pang magpalit ob mie. nagpalit Po me ob nung early weeks kse di Ako satisfied. pero Minsan ganyan din ob ko sa dmi nya sigurong pasyente, so normally I have a list of questions tlga kpg nagpapacheck up at tinatanong ko lahat2 kse bka nkakalimot din si ob. aq pa Po nagparemind about sa anti tetanus and other injections. 😅

Magbasa pa

Ganyan ung una na ob ko check lang heartbeat tas magrereseta na ng gamot ganun lang hindi ako satisfied kaya nagpalit ako ng ob kaya now okay na okay ung bago kase explain nya lahat madami din sya tanong kapag nag tanong ako sagot din sya kaya. Natutuwa ako ❤️

2y ago

Oo mii better lipat ka nalang kase nakakagaan din ng loob kapag okay ung ob mo ung excited ka kapag nagpapacheck up. Kase alam mo na alaga ka ng ob mga ganun nung na ultrasound ako dami ko talaga tanong kung normal ba ung panubigan ko natanong ko nga bigla gender ni baby eh😁😁na eexplain nya ng maayos change ob kana mii❤️😘

Ganyan din ob ko ang sungit. Bawal ka mag talk habang inuultrasound ka. As in bago k palng pumasok may bbgay na sayong small paper. Palista daw lahat ng question dun. Tapos nagagalit pa pag nag tanong ka sa middle ng ultrasound. Haysssss

2y ago

Over nmn yan bii ako nung on going ultrasound tanong na ako ng tanong at nasasagot nmn nya ng maayos with smiling face pa.. Mastress ka din at ni baby mo kapag masungit ung ob mo

Ako 5 months na ko nung nagpalit ako ng ob. Minamadali kasi nung dati kong OB ang check up sa dami ng pila parang binabara bara nalang nya ang ginagawa. Buti maayos yung OB kona ngayon at mabait din.

Pwede ka magpalit mi if di ka satisfied. Yung ob ko pakadaldal haha lahat ng tanong sasagutin even sa text. If ob sono sya, sya na dapat nag eexplain ng utz mo habang ginagawa nya.