Help

Gustong ipalaglag ng bf ko baby nmin..ayoko pano po ba makukumbinsi na ituloy nmin..natatakot kasi ako kasi hs pa lang kami

269 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Maraming humihiling na mabiyayaan ng isang anghel. Wag mo sayangin ang pagkakataon na binigay sayo. Maaring hindi mo na yan maranasan sa susunod kapag gusto mo na talagang magkaroon ng anak. Dahil sa umpisa pa lang hindi mo kayang maging mabuting ina. Iwan mo ang bf mong no balls. Walang kwenta ang ganyan lalaki. Ipag tapat mo sa parents mo. Walang ibang dadamay sayo kundi sila. Ipagpatuloy mo lang yan. Nakakaawa ang mga baby na nilalaglag. Blessing yan. Wag mo talikuran.

Magbasa pa

Hindi mo kailangan kumbinsihin yung BF mo kung ayaw niya, kasi sa huli ikaw pa din ang mag dedecide kung gusto mo or hindi. Kahit naman ayaw niya hindi mo naman gagawin kung ayaw mo tlaga. Kausapin mo yung magulang mo. Bata pa kayo, kailangan malaman ng mga magulang niyo yan. Isipin mo nalang din yung pwede mangyari sayo kapag pinalaglag mo yung baby, sa BF mo wlang mangyayari jan. Yung safety mo at ng procedure iconsider mo. Especially, anak mo yan, walang ka malay malay na bata.

Magbasa pa

Magi-iyutan kayo tapos ngayon may nabuo natatakot kayo. Takte! Sana bago kayo magpakasarap sa kama inisip nyo yong mangyayari! Ikaw na nagdadalang tao, wag ka makikinig sa bf mo. Natatakot ka kasi high school palang kayo pero nung gumawa kayo ng kababalaghan sa kwarto hindi kayo natakot! Tanggapin mo yan wag mo ipalaglag kasi in the first place ginusto nyong dalawa yan. Wag kayong maging bobo, wag pasarap ang atupagin. Hiwalayan mo bf mo kung gusto pa din nya ipalaglag! Realtalk

Magbasa pa

nasayo naman ang desisyon kahit gustuhin niya kasi nasa katawan mo yan nasayo nalang kung gusto mo din pero wag nman sana mas marami pa mas bata sa inyo na nabuntis pero pinanindigan mag isip kayo lalo ka pag ganyan mag isip bf mo wala kang kinabukasan dyan ..dapat kc kung ayaw niyo pa pla makabuo gamit kayo pills o condom nakakabili naman nun kahit kayo kaysa ganyan kayo mag isip kakarmahin kayo..puro lang pala kayo pasarap nakakagigil😈😈

Magbasa pa

iha ipag laban mo yang baby mo! Jusko ka. Dami nag hahangad na mag ka anak tapos kayo ganyan kayo mag isip. Jusko. Kunsensya nyo yan pag sinunod mo ung gsto ng bf mo! Oh baka natatakot kang iwan ka ng bf mo pag hnd mo pina laglagyang bata. Jusko hnd sya tamang lalaki para sayo yan itatak mo sa isiip mo. Kahit bata pa kayo meron na kayo obligasyon jan sa bata. At ginusto nyo yan. Matakot kayo sa karma. Kawawa ang bata 😞😞😞

Magbasa pa

highschool palang kayo hindi pa nagmamatured yang boyfriend mo kaya pasarap lang ang gusto nyan.. tas ngayon nakabuo kayo papalaglag nlng basta basta? walang takot sa diyos ! hindi masisira ang buhay mo dahil nagkaanak ka ng maaga ,patunayan mo sa magiging anak mo na kaya mo syang buhayin ng wala ang ama nya..blessing yan sayo so magdasal ka lang.. talk to your parents and accept the consequences..goodluck and Godbless..

Magbasa pa

How sad na may mga ganyang situation na alam naman na magiging resulta pag ginawa ang ganyang bagay. Dapat pinag isipan nyo mabuti bago kau gumawa. Hindi solusyon ang pagpapa abort ng baby pra sabihing ligtas kau sa responsibilidad na ginawa nyo. Mga bata pa kau pero dahil ginawa nyo yan,harapin nyo nalang. Ipagdasal na sana magiging maayos ang lahat. Lahat nadadaan sa masinsinang usapan.pag usapan nyo maigi yan.. God Bless

Magbasa pa

for me na nakaranas na ng miscarriage kaya ko ipagpalit lahat basta mabalik lang baby ko. why? because baby can make your life meaningful and never ever make you disappointed and never leave you. kung ako sayo piliin mo baby mo kase ngayon palang yang bf mo di ka kayang panindigan kaya dapat iwan mo yan. kaya mo maging single mom basta isipin mo lagi yung mga magagangdang smile ng mga baby it's gives you strength.

Magbasa pa
VIP Member

Kung ayaw Nia edi ikaw , Hindi lang ikaw huling magiging single mom . Isipin mo what if itry mo nga ilaglag uminum ka Ng gamot tapos dinalaglag nag problema si baby , iwan ka Nia or Hindi ikaw Ang mag sasacrifice Hindi sya . Kung nalaglag nga at dinugo ka Ng dinugo obligado papadoctor ka makikita nila abortion ginawa mo ikaw makukulong Hindi sya. Ikaw mag babayad sa hospital Hindi Yung bf mong tarantado

Magbasa pa

Pero di takot sa Dios? Naku po! Face the consequences dahil wala namang nag utos na gawin nyo yan. Mas matakot ka sa Dios pag di mo tinuloy yan. Walang kasalanan ang batang pinagbubuntis mo po., Kahit anong edad mo pa yan, ganun talaga,. Don't depend sa boypren mo, edi sana di ka nya inano para di ka mabuntis, tapos kung mabuntis na , ayaw nang ituloy, kagaguhan talaga. Haynaku po.

Magbasa pa