kwentuhan bout sa panganganak
gustong gusto ko talaga nagbabasa dito ng mga nagsheshare ng mga experience nila sa panganganak lalo na ung mga normal delivery sobrang nakakalibang magbasa at nakaka inspire hehe.. normal delivery din kasi ako nanganak sa tatlo ko eh.. pashare naman ng kwento nyu comment lang sa gusto po ?
Share ko lang. Sa 1st baby ko teen age mom ako nun. 15 years old nabuntis 16 years old nanganak. Edd ko oct 28. Laging advise sakin ng OB kapag may contractions na every 5 mins., pumutok panubigan or dinugo punta na agad sa hospital kasi sign na manganganak na. Oct 21 in the evening around 7pm nakakaramdam na ako ng contractions na parang nadudumi na ayaw lumabas. Akala ko normal lang nararamdaman ko na parang nadudumi lang talaga kaya hinahayaan ko lang nagpapabalik balik lang ako sa cr kasi iniisip ko nga nadudumi lang ako kaya masakit tiyan ko. Hanggang sa balak ko ng matulog, hindi ako makatulog ng maayos. Paiba iba ako ng posisyon. Napansin ng kapatid ko na di ako mapakali kaya tinanong nya kung ok lang ako sabi ko oo masakit lang tiyan ko nadudumi ako pero ayaw lumabas. Since hindi ako makatulog bumaba nalang ulit ako sa sala para makisali sa papa ko at kapatid kong lalaki na nanonood ng movie. Paulit ulit lang routine ko pabalik balik sa cr. Hanggang sa tinext ko mama ko sabi ko masakit tiyan ko nadudumi ako pero ayaw lumabas. Hindi ko inisip na manganganak na ako kasi anong date pa lang ang edd ko oct 28. By 3am natapos sila manood ng movie so matutulog palang sila papa. Ako bumalik sa kwarto nakakatulog na ako pero pag sumasakit nagigising ako. By past 4am dumating mama ko nung kinamusta nya ako at masakit pa din tiyan ko niyaya nya ko mag lakad lakad. Routine ko kasi yan every madaling araw at hapon nag lalakad lakad ako. Nasa pangalawang st. na ako simula samin ng sumakit ulit tiyan ko at napahinto ako sa pag lalakad. Hindi ko kaya maglakad, nung nawala na ulit yung sakit nagpasya si mama na umuwi na kami at pumuntang hospital para macheck ako kasi baka manganganak na ako. Yung papa ko kakatulog pa lang ginising ni mama para samahan kami. Then pag dating sa ust deretso ako sa delivery room. Chineck ako ng nurse pag IE sakin 8cm na. Sabi ng nurse manganganak na daw ako. Pinuntahan din ako ng doctor at chineck nung nalaman 8cm na at kagabi pa sumasakit tiyan ko pinagalitan pa ako ng OB ko sabi nya pag may nangyaring masama sa anak ko dahil hindi ako nagpunta ng hospital agad ay kasalanan ko. Nung sinabi ni doc sa magulang ko na emergency delivery dahil 8cm na ay nataranta at kinabahan sila. Hindi namin dala yung gamit ng bata kasi dapat mag papacheck up lang para malaman kung manganganak na ba o may problema lang. Ang dala lang ni mama tatlong itlog na hilaw na balak nya ipainom sakin para madulas daw at di ako mahirapan. Hindi na ako pinatayo ng nurse after ako i-IE. Kumuha na sila ng stretcher para ilipat ako doon at ipasok sa kwarto kung saan ako mangananak. Wala na akong dextrose o kahit ano dahil emergency na nga. Nung nasa loob na ako inayos lang nila mga machine then pinutok nila panubigan ko tapos ginupit yung sa pwerta ko. Mga tatlong ire lang nailabas ko na anak ko exact 6:15am. Hindi nya ako pinahirapan. Narinig ko agad iyak nya, nilinis sya tapos nilagay sa dibdib ko. Mga ilang minuto din bago sya kinuha sakin para ayusin at icheck. Nakakatuwa lang na nailabas ko sya ng mabilis at walang problema. After 7 years preggy na ako sa 2nd baby ko ngayon. I hope and pray maging ok din.
Magbasa pa