Kasal

Gusto ng mother ng partner ko na ikasal na kami sa December, pero napapaisip ako na wag muna. May balak pa kasi akong mag abroad and alam ko na mas madaling makaalis ang single. Isa pa, hindi mo rin kasi makikita sa partner ko yung responsibilities of being a father. Puro "mamaya" pag uutusan or magpapatulong ka. What if manganganak nako? Sasabihin niya "mamaya na lang kita dalhin sa ospital". Hindi ko alam kung kailan magbabago tong taong to,pag hindi ako tinutulungan sa gawaing bahay naiisip kong umuwi samin. Gusto ko maranasan niya yung pag gising maghahain siya ng sarili niyang almusal, maghuhugas ng pinagkainan, maglilinis ng bahay. Lagi kong sinasabi sa kanya na "ginagawa mo akong katulong". Mga damit niya ako din naglalaba. Responsible naman siya pagdating sa check-up/meds/foods and other needs ko. Pero yung "Tulong" sana from him. Yung duties na dapat both ginagawa namin kasi buntis ako. Hindi porke babae ako/tayo kailangan lahat ng duties sa loob ng bahay e tayo na gumagawa. Kasi hindi nila mararamdaman yung pagod mo hanggat di nila nagagawa yung mga ginagawa mo. Kaya gusto ko bago kami ikasal, dapat maintindihan niya na kailangan na niyang magpaka-magulang sa bahay at sa magiging anak namin. Tama naman siguro desisyon ko mommies na hintayin ko muna talagang magbago to bago ako magpakasal?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

para sakin sis tama ang desisyon mo. huwag ka munang magpapaksal lalo na at parang hindi pa rin ready ang guy. mahirap lang sis lalo na kung hindi siya nagging "companion". dapat laging nagtutulungan sa lahat ng bagay. lalo na at buntis ka pa sa ngayon.naisip ko lang na baka mejo immature pa din sya cguro base sa kwento mo.

Magbasa pa

Yes sis :) Yung marriage rin kasi dapat kayo nagdedecide when you're both ready, hindi mga magulang nyo

5y ago

Oo nga momsh eh, ayoko na din kasi itanong sa partner ko yung tungkol sa kasal kasi tumatawa lang siya.