4 Replies

Same tayo mommy, yung asawa ko is may anak din sa unang asawa niya. Nung wala pa kami baby, nung mag boyfriend and girlfriend pa lang kami, lagi ko pinapapaala sa kaniya na wag niya kakalimutan mag bigay sa anak niya dahil ayaw ko ng gulo at ayaw ko lagi din siya inaaway. Then etong nagka anak na kami di ko pa din nakakalimutan sabihan siya mag bigay siya, kapag meron siya. Dahil sakto naman yung pera nakukuha niya para sa amin ng baby ko at dun sa anak niya eh.

VIP Member

based on law po, wala syang laban sis, payo lang bilang babae din. Although buntis ka din, kailangan mo din ng sustento, pero pananagutan pa din ng asawa mo ung anak nya sa past niya wala tayo magagawa or laban dun kasi batas talaga yun kung sakali pakasuhan sya, ang mailalaban lang ng asawa mo is kung magkano lang ung kaya nyang sustento un lang ang ibibigay kumabaga i-cocompute based sa sahod nya, wala naman sapilitan kung magkano

Sa tingin ko wala. By law, kailangan mag support ng asawa mo sa una nya anak kahit hindi sila kasal. Hindi dahilan na buntis ka kaya hindi sya makapag bigay sa anak nya ng sustento lalo na at may trabaho parin naman sya kahit na sabihin mo maliit lang ang sahod nya. Kailangan maging fair ng asawa mo sa anak din nya sa una.

VIP Member

Kasal man po sila or hindi, responsibility po ni guy na magbigay ng sustento sa anak niya. May tinatawag naman pong amicable settlement, makipagkasundo nalang po siya sa mother ng first child niya about sa sustento para hindi po umabot sa demanda.

Trending na Tanong

Related Articles