..

Gusto kolang pong ishare nararamdaman ko dito dahil diko na po alam kung ano ng nangyayari sakin btw mag3months napo nung nanganak ako, implant po may nabasa po ako dito na nadedepress daw dahil sa implant side effect daw diko po sure kung ganun ang nangyayari saken may time na naiiyak ako araw araw pala sya then titigil maglilibang sa social medi minsan naman nagtatype ako mapapatitig ako ng matagal sa screen iniisip ko kung ano ano then makakalimutan kona yung tinatype ko minsan pag kinakausap ako madalas mali pandinig ko malayo sa words na sinabi saken, feeling ko din po magisa ako parang walang karamay ganun pag gusto naman po ako bisitahin ng mga kaibigan ko ayoko naman po nahihiya na ewan kaya ang sinasabi ko sakanila aalis kame kaya nexttime nalang, tapos onteng bagay lang pag naalala ko mga pangalan ng ex ng partner ko at yung babaeng naging side chix nya noon halos magbreakdown ako hagulgol talaga at diko na alam nagsasalita nako habang umiiyak sa tuwing ganun sitwasyon at kinakausap ako pinagsasabihan tinatakpan ko tenga ko then magsasalita ako kinakausap ko si lord nun pero malakas, grabeng anxiety napo talaga at kanina 3am nagising ako dahil umiyak baby ko at pinadede ko nakita ko nagadd sakin yung side chix ng partner ko halos panglimang account napo nya yun na nakablock samen pagtapos ko iblock nagbreakdown nanaman aki naalala ko lahat lahat nanaman hanggang sa sumasakit na ulo ko kakaiyak wala nadin akong confident kaya siguro ganto feeling ko lahat niloloko ako feeling ko wala ng taong totoo saken at iniwan nako btw po 17yrs old palang ako and wala po mama ko nasa cebu pero friends kame sa fb may sariling buhay na sya kaya nahihiya po ako magopen sakanya now po andito ako sa bahay ng partner ko papa ko nalang po kasama ko duon sa bahay namen kaya dito napo muna ako pinastay ni papa di din ako makapagopen kay papa kaya sobrang nahihirapan napo ako sinasarili ko lang hirap din po dito sa bahay ng partner ko may ubo po lo ko then may nireseta anti allergy ata yon sabi po ng mama nya bawal daw gamot kase mag3months palabg papainumin na ng gamot nakakasama daw sa kidney yon kaya dina po namen sya binilhan ng gamot ngayon po lagi lagi na talaga syang inuubo. Tahimik lang din po ako dito ngiti ngiti lang di din po ako nagsasabi kaya nahihirapan ako dikona alam nangyayari saken di na din po ako nakkatawa ngiti na may tunog lang ganun tas onteng bagay naiinis nako pero diko sinasabi lagi lagi aking umiiyak malungkot lahat bumabalik saken feeling ko ang bilis ng panahon at andito nako sa sitwasyon nato dikona matulungan sarili ko dumagdag pa financial nagaaral papo kase partner ko then dito sakanila madalas walang makain sinabi kona sakanyan yun sabi nya sakin meron naman daw hindi lang daw ako makuntento nagbebreastfeed po ako kaya madalas gutom kaso wala eh buti binibigyan ako ng tatay ko ng 1k every sahod nya diaper pa ni lo tas binabudget kodin pang stock ko dito sakanila kase kung meron man stock miski itlog naka tago sa kwarto ng mama at ate nya kaya ganun din saken minsan manghihingi po nagagalit pa pero okay naman tahimik lang po ako dito sakanila sinabi nya po sa tatay koyun na nadedepress nga daw ako sabi ng papa ko lumabas labas daw kame kahit mall lang para di daw ako madepress at mabored and sinabi ng partner ko sa mama nya na labas daw kame ang sabi ng mama nya "nako wag muna kung gusto mo ikaw nalang wag muna ilalabas yang anak nyo baka magkasakit" nakailang vaccine nadin naman po itong lo ko at sabi pa po "bat ilalabas mona dipa naman nya naappreciate mga nasa paligid" may nabasa po kase na ilabas labas daw ang baby para makakita ng iba ibang kulay at yung senses nya malibot libot kase dito wala din po sya book na kulay kulay o nakasabit sa kama para tignan nya wala po syang toys dito. Hays diko napo talaga alam nangyayari saken sobrang naistress napo ako lahat kinagagalitan ko maliban sa baby ko nawawala naman po lahat yun pero pag tulog ni lo o buhat sya ng iba ayun bumabalik nanaman diko nga po alam feeling ko mababaliw nako lalo na nung niloko ako ng partner ko 7times pinaka last eh yung november 2018 simula september nalaman ko lang nung november kaya ayun feeling ko niloloko nya ko ng diko alam at ginagalingan na lang ngayon para diko mahuli madalas din ako nagigising ng umiiyak namamatay kaibigan ko sa panaginip ko, niloloko ulit ako ng partner ko kasama side chix nya, namatay ako ganun po madalas ko napapanaginipan btw sidechix nya bestfriend kopo yun noon halos kapatid kona po katunog pa ng name ko kaya halos gumuho mundo ko sa 7times na pagloloko saken side chix nya lagi yun kase yun lang pumapatol sakanya ibang nilalandi nya lumalayo dahil nga alam na kame. Pahelp naman po sobrsng nagbebreakdown nako diko na alam gagawin ko btw po may sakit ako na hyper ventilation syndrome na nahihimatay po ako pag sobrang saya sobrang kaba sobrang kaiiyak naninigas po kamay at paa ko pag ganun. Pahelp po ano napo kaya ito salamat ng marami po hirap napo kase ako wala ko magpagsabihan salamat sa pagbabasa. Diko po kelangan bash kasi nahihirapan nako pasagot nalang po ng maayos

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naku mamsh suggestion ko punta ka sa Psychiatrist.. Hindi naman porkit nagpapa check ka sa ganun may mental issue ka na.. Meron talagang mga nanganganak na nagkakaron ng postpartum depression baka ganun ung sayo.. Pacheck ka na para rin sayo yan at sa baby mo..

5y ago

Thanks po