Normal Delivery / CS
Gusto ko po sanang maging normal delivery ako pag nanganak ako. Gusto ko na lumabas si baby. Pero pag naiisip ko po na mahirap maglabor or cs, kinakabahan ako. Minsan di maalis sa isip ko na baka mahirapan ako. May friend ako na maliit lang baby nya pero na cs pa din sya. Dahil di daw nag oopen cervic nya. Magkkaiba tayo ng pagbbuntis. Pero paano ko po kaya massure na mag normal delivery? Or hindi talaga naten massure yun? #1stimemom #adviceplsmomshie

No assurance but need talaga na malakas loob mo kung gusto mo i-normal delivery, malaking effect pag mentally prepared ka, based on my exp lang kasi twice na Ako nanganak at parehong normal delivery pero sobrang magkaiba kasi sa first mas malakas loob ko, aware Ako sa mga negative na mararanasan ko at talagang mentally strong Ako tipong kahit -gaano-kahirap -kakayanin-ko-to mindset kaya after ko mailabas si baby instant relief naramdaman ko, pero sa second ko grabe muntik pa Ako mahospital, kasi naging komportable Ako sa since Kasama ko SI hubby pati sa lahat simula Ng maglabor gang manganak nasa tabi ko sya, unlike sa first na Ako lang mag Isa. Kaya yeah, need mo Ng tapang sa sarili kasi momsh masakit manganak, pag di ka matapang di mo makakayanan Yung sobrang sakit, di mo makakayanan g umire Ng mahaba, di mo ma-inonormal so baby pag Ganon. Still, always hope and pray for a safe delivery.
Magbasa pawalang assurance kahit alin jan mamsh. perks lang ng normal is mabilis ang healing period kesa sa cs. ako sa last baby ko, 40 weeks na wala akong signs of labor, ang gawin mo is palakasin mo body mo and dapat be ready mentally kasi masakit talaga mag labor if gusto mo normal.. pag aralan mo na din mamsh kung paano or ways kung paano ka maka ease ng pain during labor ☺️ ang importante safe kayo both ni baby.. kasi pag nakita mo si baby sureball naman sa happiness yan
Magbasa paYou need to be physically and mentally ready sa pag labas ni baby. Kausapin mo sya lage na wag ka nya masyado pahirapan. Pag 37 weeks kana more on walking,exercise and kumaen ng pinya or dates. Nakakatulong yun sa pag open ng cervix. Wag mo isipin yung hirap at sakit dahil worth it lahat yun pag nakita mo na si baby. Pag na cs ka mas matagal ang healing process unlike pag normal. 😊
Magbasa pawalang assurance yan momsh..dpende tlaga kay baby or sa katawan ntin...sa case ko I was expecting normal delivery kc mejo malaki balakang ko...pero it turned out maliit daw sipit sipitan ko at di din ako masyado nakaramdam ng contractions khit sinaksakan na ako ng pampahilab..I was induced na kc 40 weeks wla pa din sign ng labor
Magbasa pahindi po maassure un meron nga naka ilang anak na normal delivery na pero ung bunso cs sya kasi depende po un sa kalagayan ni baby, meron po kasing emergency cs like nauna na pumutok ung panubigan, so para makapag normal delivery ka proper diet, sunod kay ob, at pray lang po tlga..the rest si God na po ang bahala
Magbasa pakung ftm ka you should open to all possibilities nang magiging birth way mo dapat handa ka , ako sa panganay ko ginawa namin lahat para maassure na manonormal ako pero may better plan si lord kaya na cs ako. basta pray lang ang mahalaga both healthy kayo ni baby.
hindi po naten maassure hehe, be prepare nalang po and praying na safe po tayo manganak at maipanganak ng healthy at safe si baby, wag po lilimot magdasal sa itaas para mas ihanda nya po tayo at gabayan po sa panganganak hehe normal or cs man po.
Normal and CS delivery parehong mahirap mom..Ang isipin mo pag manganganak ka na pagkatapos ng hirap mo makikita mo na si baby, mawawala lahat ng sakit.. Basta mailabas mo ng walang conflict si baby yun po pinaka important. 😊
If kung kaya mo mag normal delivery mahirap po talaga kasi yung pag lalabor masakit pero worth it naman🥰❤️pareho lang naman ey ang isipin nyo mailabas si baby na safe☺️
Dasal lang at isipin mong kaya mo mommy, ganyan din ako nun 1st baby ko, maliit sipitsipitan pero iniisip ko lang na kaya ko at todo dasal talaga 🙏 Kaya mo yan momsh.