Ultrasound

Gusto ko po kasi sana magpaultrasound na, sabi naman po ng stepmom ng bf ko saka na daw, mga 6 or 7 months na daw ako magpa ultrasound :( Ayun nalungkot po ako, excited lang po makita si baby . Sundin ko nalang po ba sila? #turning 5months ❣️

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mas tama po na magpaultrasound ka atleast once or twice per trimester kasi po makita ang lagay ni baby mo. Kung tama ba sya sa timbang, kung ok ba yung tubig, kung tama ba position ng placenta mo, di lng po para sa gender ni baby. Explain mo po yun sa in-laws mo ng maayos. Kasi po mahalaga din po yun. Ako nga 6 months preggy, 3x na akong nakapagpaultrasound pra siguradong ok si baby. 😊

Magbasa pa

Mas ok po na nagpapaultrasound at checkup mommy hindi lang para makita ang gender ni baby kundi para malaman if ok sya at ikaw. Ako nga po monthly na nagpapacheckup at ultrasound (buong pregnancy stage ko) muntik pang malagay sa alanganin ang buhay namin pareho.

Ganun din sabi ng mom ng bf ko magpaultrasound na Lang ako kapag nasa 6 months na medyo nagtampo rin ako but after 6 months nag paultrasound na ako so thankful naman healthy si baby and nareveal na ung gender 😊😊♥️♥️♥️

Yes maiging 5 and a half or 6 months kna magpa ultrasound para sure. Pero may cases na sa ultrasound c baby nakadapa, nakatakip kamay sa genitals or nakatalikod. Tip ko sau kaen ka ng matamis before ka i ultrasound para malikot c baby :)

5y ago

You're welcome

Kung gusto mo mamsh push lang. Masarap marinig heartbeat ni baby kapag nasa ultrasound room kana. Tsaka wala naman masama magpa ultrasound, hindi rin naman kamahalan, secure mo pa kung okay talaga si baby. Godbless mamsh ❤️

VIP Member

Sasabihan naman po kayo sis ng OB mo kung kelan ka papa ultrasound. 😊 nakakaexcite talaga makita si baby pero parang bitin yung time pag inultrasound. Hahaha. 😅 goodluck sis and keep safe kayo ni baby.

VIP Member

I heard it from a doctor that the most important ultrasound is 1st and 3rd trimester..so it's okay naman momsh if magp'utz ka pag 3rd trimester mo na para isahan..baka iniisip nila gastos😊

Sa mga Ob doctor po, hindi importante ang gender ni baby. Kasi sa ultrasound makikita kung may defect or kung healthy si baby. Tsaka at least isang utz sa bawat trimester po. Hehe yun lang.

Sundin mo na lng kasi pag 5 months alanganin baka hindi mo pa makita ang gender ni baby..at mas maganda mag pa ultrasound sa center na may lying in kasi libre na ang ultrasound.

Talk to your ob kasi sila ang mas nakakaalam. Most of us inaafter ung gender ni baby(nothing wrong with that cmpre excited tayo🙂) pero mas importante malaman na ok c baby.