Gusto ko na magpacheckup

Gusto ko na magpacheck up kasi due date ko na ngayon pero hindi ako pinapayagan ng OB ko pati ng LGU kasi covid positive ako hinihintay pa yung result ng latest swab ko. Gusto ko malaman kung kamusta na si baby bakit hindi pa sya lumalabas. Gusto ko din magpa IE para malaman ko kung ilang CM o kung malapit na ba ako manganak pero wala ako magawa 😔 nakakastress isipin na wala manlang akong magawa para malaman kalagayan ni baby. Wala manlang ako magawa para malaman kung okay pa ba sya kung bakit hindi pa sya lumalabas kung marami pa ba syang tubig. #1stimemom #advicepls

25 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hi mommy, prayers for US 🙏. SAME situation 😢, 40 weeks na this thursday. kaya lang yung sa akin wala pa ako 2nd reswab kasi ika 7 days ko bukas ng quarantine, advise sa akin need maultrasound every week sana kaso 10k per ultrasound daw sa kanila😢, asymptomatic ako pero wala ako referral pa ultrasound kasi baka hindi daw ako tanggapin. and pag hindi ko natapos ang quarantine at reswab, at manganak ako in case, maghanda daw ako minimum of 50k kasi sa mga ppe na gagamitin 😢, opd lng naman ako pero sa private, wala din kmi work both since covid. kaya nastress talaga ako ngayon paghanap ng iba ospital, kasi hindi naman nila ako sinagot na kung matapos ko ang quarantine at magnega na sa susunod na swab, malaki pa din ba babayadan ko😢.nilalakasan ko na lang din loob ko habang naghahanap ng ospital na tatanggap kahit wala record sa kanila😢. kaya nagdarasal na kung aabot pa sa 41 weeks and 14 last day ng quarantine sana ok si baby sa tummy , na sana ok kami.ang hirap ng sitwasyon na ganito.

Magbasa pa
4y ago

thank you mommy.manila po ako.pero sa qc ako nagpapacheckup kasi malapit sa work ko dati, andun lahat record ko.gusto ko sana dun kaso nagpositive result kaya sabe .magready ng malaki if ever manganak ako ng di natatapos ang quarantine kaya naghahanap ako ngayon kung san ako pupunta na ospital sa maynila na natanggap ng asymptomatic kahit wla record.kaya nga opd lng kaya ko. sana umabot na matapos ko ang quarantine na ok kami ni baby at sana by that time negative na para kahit papano may pagasa pa matanggap sa mga ospital.prayers for us mommies 🙏

Hi po. Sa PGH mam nag tatanggap po sila ng covid positive kahit wala po kayong record dun. Doon po ako nanganak last August kasi po nag positive din po ako and asymptomatic po. Sobrang babait ng Doctors, nurses and staff po nila doon. Okay din po yung room na pinag stayan ko. Sobrang okay po doon sa PGH, try niyo din po. And maniwala po kayo na negative na po yung next swab test niyo. Ingat po palagi. Lakasan niyo lang po loob niyo. Praying for your safe delivery.

Magbasa pa
4y ago

tapos po dalhin niyo po yung mga records and ultrasound niyo from your previous ob pati po yung result ng swab test.

hi po. 40wks din po ako today. di pa open cervix ko. pero sabi naman ni ob sakin, monitor ko lang galaw ni baby (dapat 3-4 movements per hour) as long as active pa po sya sa loob, no need to worry ☺️ may umaabot talaga ng over due. relax lang po tayo and wag pa-stress momsh 💪

basta magalaw si baby and hindi ka naman in active labor, ok pa naman. wag ka po masyado magpakastress mamsh, try to relax. Minsan tlga lalo na pag first pregnancy lumalagpas po sa due date. Praying for you sis and your baby🙏

Prayer for both of u ni baby momsh. Tatagan mo lang loob mo momsh. Tiwala lang malalagpasan niyo din yan ni baby. Just keep on praying momsh. Wag ka panghinaan ng loob at wag ka po mastress kasi kawawa po si baby.

try po kayo sa govt hosp. hindi po sila pwede tumanggi lalo na po positive po kayo. if ever na puno ung govt hosp dapat irefer ka nila sa ibng govt hosp na pwede buntis. 😊 mas makakamura po kayo pag govt. hosp.

Praying for you po na sana mag negative na 2nd swab test nyo.. Basta po nararamdaman nyo na gumagalaw si baby it's a good sign po na ok sya.. God bless po.

keep safe mommy and baby ✨✨ mahirap po ang sitwasyon nyo pero kapit lang po at kausapin nyo po si baby. Have a safe delivery po

pray po mommy.. follow up mo din result Ng swabtest mo usually 3 days may result na yan dapat priority dahil buntis ka.

Praying for you mamsh at kay baby🙏 Magiging okay din po kayo ni baby. Wag po masyado pakastress