concern ba o sinisisi kana?

gusto ko lang pong magtanong sa mga mommies na nakakaexperience ng gaya ng sitwasyon ko, tama bang isisi sa nanay kung bakit mahina ang baga ng isang bata? sabe kasi ng nanay ng partner ko mahina daw talaga ang baga ng bata dahil sa mga pinagkakain ko nung buntis pa ko sa kanya, diba kaya nga po buntis kasi nagke crave ka sa mga pagkain na magustuhan ng nasa tyan mo masustansya man o hindi basta makuha mo yung gusto mo? alam kong concern sila, pero pakiramdam ko kasi konting sipon at ubo lang ng bata kasalanan ko na agad kasi dahil sa mga pinagkakain ko nung nasa tyan ko pa lang siya kaya mahina ang baga niya. hindi ko na po itinatama minsan ang paniniwala ng nanay ng partner ko kasi masama pa ang loob niya kapag itinama mo yung maling paniniwala niya... in my case hindi po ako pabayang ina, kumpleto po sa vitamins ang baby ko (1 yr old) dahil hindi siya hinahayaan ng partner ko na hindi mapunan lahat ng para sa anak namin.. pero hindi ko lang po talaga maiwasan mastress sa mga nasa paligid ko.. kaya mas gusto kong nakabukod na lang kesa may nakikielam nga minsan hindi naman tama ang pangingielam. #nanaynahindinamanpabaya #nakakainis #byenanproblems

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply