Gusto ko lang pong magshare mga momshies...abot langit po kasi kasiyahan ko. Almost 4 years po kaming naghintay ni hubby na magkababy, pero dahil sa naiinip ako nun,nagdecide akong bumalik sa pag aaral...tapos po, last March,second sem, I found out na preggy ako...sobrang saya ko nun kasi almost 4 years ko nga na iniyakan at iniluhod sa pananalangin...mag se-7 weeks sya nun based on my LMP,that was Saturday morning nung nagpt ako,so nagpacheck up agad ako then schedule ko ng Trans V ng monday pero kinabukasan noon, sunday, dinugo ako habang nasa church ako, so agad agad dinala ako sa ospital,may pain na akong nararamdaman na parang natatae or what..then chineck ng OB ko, threatened abortion nako...I'm still praying that time. Ipinagpasa-Diyos ko na lahat lahat. Around 10:30 pm...may lumabas na buo sakin, yung baby ko na pla yun...halos gumuho ang mundo namin ng hubby ko nun..but my hubby was strong enough that time..hindi nya pinakita sakin na sobrang nasaktan sya,ksi nakita nya na sobrang lungkot at pag iyak ko nun...then niraspa ako,and the following day,nakauwi na rin kami. Nadepress pa ako noon dahil sa nangyari,walang gabi na hindi ako umiiyak na sinisisi ko sarili ko dahil hindi ko naingatan ang anak namin...then follow up check up ko,nakita na sobrang kapal ng endometrium ko at possible daw na mauwi sa cancer at mahirapan na akong manganak..that day,lalong gumuho ang mundo ko...umiyak lang ako ng umiyak,then gabi nun,pumunta kami sa church...dumating yung minister namin to check if kamusta ang pregnancy ko..then nalaman nya yun nangyari,so nakaupo ako noon,nakatulala ako...lumapit sya sa akin,then naiyak na lang ako..tapos he gave us some advices na we should have a devotional prayer. He gave us the exact place and time kung paano kami mananalangin..then nanalangin sya para samin mag asawa. Sinunod namin ang payo nya..almost 3 buhat ng nakunan ako, June 20, I got pregnant again,at first, may doubt at takot ako na mangyari ulit yung nangyari sa akin...nagpacheck ako,and my OB was surprised..she scheduled me for a TVS, then kinabukasan,nagpatrans v nako doon ko for the very first time narinig ang heartbeat ni baby. Hindi ko maexplain yung naramdaman ko nun pero sad ako that time ksi hindi pinapasok si hubby kaya medyo galit sya nun??now I am 13 weeks preggy, last monday night, natakot ulit kami ksi biglang may nagleak na tubig sakin,agad agad dinala ako sa ospital,akala namin panubigan ko na...blood test and urine test chineck,and God is great, everything was fine...then kinabukasan ultrasound ko ulit,ichecheck kung okay si baby....i never stop praying that time...again, pinagpasa Diyos ko lahat...then nagpatrans v ako,this time nakapasok na si hubby,pagkakita namin sa monitor, nakita namin na superlikot ng baby namin,and may strong heartbeat,bigla na lang tumulo luha ko nung moment na yun...hindi ko napigilan...kaya yun ang pinakamasayang moment na hanggang nagyon naalala ko pa...I prayed again na sana for the rest 6 months,maging okay si baby..please pray for my wonderful journey with my rainbow baby. Thank you po sa nagbasa..medyo napahaba???