RANTS!

Gusto ko lang pong maglabas ng sama ng loob tungkol sa mga kapatid ko. Sobrang di ko na po kase talaga kaya lahat ng sinasabi nila. 😭😢 5 kaming mag kakapatid tatlo kaming babae magkakasunod at dalawang lalaki. Pangalawa ako. Simula nung mabuntis ako mas grabe pa yung naranasan ko sa kanila. Nung nakaraang linggo nag away kami nung pang apat ko na kapatid na lalaki sa mababaw na dahilan lang. Sobrang sakit ng mga pinagsasabi nya sakin na sana mamatay na daw yung anak ko walang kwenta daw akong babae mga ganun di ko kinaya hagulhol ako ng todo kase syempre buntis ako at first time ko palang maging ina. Tapos kanina lang yung kapatid ko naman na panganay na babae yung laging nambubugbog sakin non nagising ako anong oras na. Sinabihan nya ako na magluto na ako pero kakatulog ko lang non kase magdamag akong puyat dahil di ako makatulog 8 months na akong buntis ngayon at hindi ako makatulog ng maayos sa gabi gawa ng lagi sumasakit yung tagiliran ko laging sinisipa at hirap ako huminga. Panay dugo yung ilong ko mayat maya halos araw araw na. Kulang po ako lagi sa tulog sabayan pa ng init na pakiramdam inaagawan pa nila ako ng electric fan. Inabot ako ng ala una gumising di pa kami kumakain sila wala namang ginagawa inaasa pa nila sakin. Sa totoo lang po mga tamad po ang mga kapatid ko yung bunso lang namin na 10 yrs old ang nauutusan dito ng maayos sa bahay. Mga kapatid ko di marurunong magsiluto ang alam lang hotdog lutuin kahit yung panganay namin kaya ako lagi inaasahan nila. Maaarte pa sila sa ulam di nakain ng gulay. At ayun na nga di ako makaluto kase sabi ko masakit ang dibdib ko nahihilo pa rin ako gusto ko pang makabawi ng tulog tapos bigla nalang nya akong pinagmumura. At kung ano anong pinagsasabi na masasakit na salita. Lagi pa nyang sinasabi na sana maging kulang kulang daw ang anak ko yung tatlo kong kapatid lagi kong kaaway at lagi nilang pinanlalaban sakin yung anak ko lagi nilang sinasabihan ng mga ganun sobrang sakit sakin. Pinagmumura ko din sya. Sinabi ko na ako lahat gumagawa dito sa gawaing bahay kahit na buntis ako. Tapos sila paupo upo lang. Sobrang sakit kanina pa ako iyak ng iyak. Okay lang sana kung ako nalang sabihan ng masama wag na idamay yung anak ko kase hindi pa nakakalabas at natatakot ako na baka magkatotoo mga pinagsasabi nila kase nag cucurse sila ng mga salitang hindi naman maganda. 😭😭😭 Dito po ako ngayon nakatira pa sa bahay namin at dinadalaw dalaw lang po ako ng fiance ko. Hinihintay nalang po namin na manganak ako para dun muna kami titira sa bahay ng magulang nya kase kung dito ako magtatagal hanggang sa manganak ako di naman ako maaasikaso. Baka mabinat pa ako sa sama ng ugali ng mga kapatid ko. Kumuha po kami ng bahay sa cavite pero di pa namin malipatan pa sa ngayon kaya nagtitiis muna ako dito. 😭😭

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

kung ako sayo sis , umalis ka nlng kung magiging ok naman ikaw sa family or side ng fiance mo dun ka nlng at para iwas stress nalang din sayo ako laging stress kasi ayw ko ng madumi at makalat pero once na nagalit ako sumusunod nmn mga kapatid ko ako ang panganay at ako lahat may responsibilidad sa kanila kasi ako yung may pera at may kakayahang mag suporta sa pang araw araw nila ,pagkain ,bahay at iba pa kaya respeto nila ako .. buti nlng hindi sila ganyan saakin ... sana maging maayos,kayo mag kakapatid at mag bago sila sayo balang araw kakarmahin sila sa mga,sinasabi nila sayo at sa magiging anak mo wag mo isipin na mangyayari sa baby mo yung mga sinasabi nila sila ang matakot pag once na sila ng mag kaanak baka sila ang tamaan ... be stron lng sis..

Magbasa pa

Grabe ha. Can't imagine na may mga kapatid na ganyan ka-walang kwenta at walanghiya. Alam na ngang buntis ka tapos iaasa nila sayo pati kakainin nila and mas di ko ma-take yung idadamay yung batang wala pa ngang muwang. Ate ka sis pero bat hinahayaan mong pagsalitaan ka ng mas bata mong kapatid ng ganon? Kung ako kasi yan, di talaga sya uubra sakin. Ate rin ako at may times na sumasagot din pabalang mga kapatid ko sakin pero kapag nagalit na ko, tatahimik na sila. I know how you feel, sakit sa pakiramdam nung parang walang respeto sayo. Hayst. Pati ate mo napaka immature. Di ba pwedeng umalis ka nalang dyan sa inyo? 1 buwan nalang manganganak kana eh tapos nasstress ka pang ganyan.

Magbasa pa
VIP Member

ang tagal mo namang nagtiis mumsh umabot ka pa ng 8months.. if hindi na kaya.. magsabi ka na sa fiance mo kasi masama po ang stress sa buntis.. baka need mo na po umalis ngayon kasi need mona magpahinga ng madami.. wag mo isipin na unhealthy si baby,kung healthy naman mga food intake mo during pregnancy.. alis ka na po jan kasi baka madamay pa si baby mo paglabas nya.. (wag naman sana) kasi yung walang care habang pregnant ka, pag lumabas si baby mo tas umiyak ng umiyak eh baka mas doble masakit pa gawin sainyo.. kaya magdecide ka na pong umalis jan talaga... lakasan mo loob mo para sa safety nyo ni baby.

Magbasa pa

Sa totoo lang habang binabasa ko post mo naluluha ako dahil sa kalagayan mo.😔 May mga ganyan pala talagang kapatid? Bat sila ganyan? Asan ba parents mo? Kung ako sayo sasama na ako sa bf ko. Hindi ko kaya ginagawa nila. Naisip ko na napakaswerte ko sa family ko kasi itong journey ng pagbubuntis ko napakasupportive nila sakin. Btw po Mag iingat ka po palagi. Hayaan mo na mga sinasabi nila sayo.

Magbasa pa

Alam mo mamsh sa sitwasyon mo, hindi na po healthy na paabutin mo pa yung time na makapanganak ka bago ka umalis sa bahay ninyo.💔 Kung pwede ka naman sumama sa partner mo, mas ok po na ngayon palang gawin mo na. For your own sake and pati narin kay Baby. Stay safe always.❤️

Alam ba yan ng Fiance mo? Dapat kunin ka na nang Fiance mo kung ganyan naman pala yung sitch sa bahay nyo. 8mos delikado pa yan. Aksyonan nyo na dapat agad yan. Ikaw dn kawawa lalo na ang baby.

Umalis kna jan sis.. antayin mo pang manganak ka bago ka umalis eh sa sitwasyon mong ganyan mapapaanak ka ng wala sa oras nyan eh.. kawawa si baby pag lagi ka stress..

VIP Member

Wag nyo na po intayin na pagka panganak mo tsaka palang kayo aalis jan.. Baka jan ka pa abutin ng panganganak mahirap na mukang wala ka aasahan sa kanila kung sakali.

Umalis kana, sis, para saiyo at sa anak mo iyan. Baka ma stress ka pa lalo sakanila diyan at maano si baby kaya umalis kana. Dapat nga kunin kana ng fiance mo e.

Nako kung ganyan mga kapated ko pinagsasampal ko na mga yan mga walang modo halatang hindi nadisiplina ng maayos jusq nakakapangkulo ng dugo.😪