Bayaw

Hello! Gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob. Please respect my post. Sorry but this is a long story? I grew up independent sa sarili ko po and I have been living alone matagal na po before. D po ako only child. I just find peace if ako lang po nakatira sa isang bahay. Since I am working naman po ung parents ko support naman po sa desisyon ko na magrent ng apt and live on my own. Then, nabuntis po ako and nakasal. I am very happy naman kasi mahal na mahal ko po asawa ko. Nakatira po kami now ni hubby sa bahay po nila pra makasave nung buntis po ako and need po kasi na malapit sa negosyo nila. Malayo apt ko dati so yun po. Naiinis po ako sa sister in law ko kasi minsan parang sobra na. Eldest po sya, only girl and still single. Si hubby yung closest niya. Every time po na galing po sya ng work dito drecho nya sa kwrto namin ni hubby nakikipagkulitan sa lo ko. Minsan nakakatulog na sya dito. Pag gabe naman dito din natambay babalik ng kwrto nya late na, late na rin kami makakapahinga ni hubby. Pag nasa work si hubby kahit nakalock kakatok parin para pumasok para makipagkulitan kay lo. Minsan kahit tulog na si lo gusto pagising. Kaya ko nga minsan nilolock kasi po gusto ko din minsan at peace at makapagpahinga din ng maayos. Kahit nung buntis pa ako may times nakakatulog sya dito sa aming room. Sana privacy and respect nalang kahit konti kase may asawa na kapatid niya. Pag off nya po and nandito sya bad mood po ako kay hubby and alam niya naman kung ano kinaka bad mood ko. Pag wala naman po siya dito ok naman po ako. I think eto po nagtitrigger ng PPD ko now. Minsan kinikeep ko nlang kasi ayoko isipin ni hubby ang unfair ko kasi ok namn sya sa mga kapatid ko. Baka ako talaga ung may deperensya kasi d ako sanay, kahit ung mga kapatid ko alam nila na naiinis ako if naiinvade space ko for so long. Am I reasonable kung bakit naiinis ako? D pa kmi ngaun makabukod ni hubby kasi lockdown pa ang hirap then kapapanganak ko palang so ung savings namin kahit may tira pa kelangan pa namin magsave ulit. Pero gustong gusto ko na talaga bumukod. Minsan naawa ako kay hubby kasi sa kanya ko nabubunton ung inis ko and lungkot :(

11 Replies

Hi! Pede mo nmn kausapin sis in law mo.. kht pabiro or palambing na "ate tulog na si baby". Ksi mlamang sabik lng un sis in law mo kya dpt intndhn mo nlng. Plus un nga wla ka mggawa ksi nsa bhy ka ng family ng husband mo. Or kya kausapn mo c hubby pra sya kmausap sa ate nya. Sympre mga kpatid mo kilala kna nla kya alm nla kng pano mgadjust sau pero un ate nya ndi pa. Ska feeling ko bago lng kau nagstart as a family kya normal lng yn. Gnyn din kmi ng sis in law ko mhilig ksi sya tlg sa bata. Pg mnsn tulog baby ko tps ggcngin nya nagbbiro nlng aq or pslambing effect mgsalita na "natutulog na ate e" atleast naiparating mo un gusto mo in a nice way na ndi kau mgkksmaan ng loob. Ska sa akin nga mnsn cnsma nlng daughter ko sa lakad nya mnsn ndi nssabe sa akn mllaman knlng mnsn nagbbhis na daughter ko. Pero mga gnn bgay ndi kna pinapalaki msyado ksi getz knmn na gusto nya lng nmn mksma niece nya e. Wla nmn maidudulot na msama cgro sa anak ko un dba.

Minsan kailangan din natin mag-adjust lalo na at nakikitira tayo, ganyan din ako hinde ako sanay na naiinvade ang Privacy ko namumuhay din ako magisa at sanay ako ng walang pinapakisamahan pero pag nagbabaksyon ako sa Family ng husband ko nahihiya ako magkulong sa kwarto kaya kahit hinde ako comfortable nakikisalamuha ako sa kanila at tumutulong ako sa mga gawaing bahay hanggang nasanay na ako at thankful ako kc mabait naman sila sa akin.. Siguro sis pagaralan mo din mag adjust at pakisamahan sila thankful kana na mabait sila sayo.. Intindihen mo nalang ung ate niya masarap sa pakiramdam na mapalapit ang Family ng asawa mo sayo kc pag magaway kayo ng asawa mo magiging kakampi mo pa yan sila.Pero syempre sikapin niyo parin ang bumukod na kc iba parin ang nakabukod namamanage mo ang mga expenses niyo at nakakapagayos ng kahit anong gusto mo sa sarili mong bahay

Nag-asawa ka diba? Kasama sa inasawa mo yung pamilya ng asawa mo, so meaning pakikisamahan mo lalo't sa kanila kayo nakatira, buti ka nga mabait sister in law mo yung iba nga dito yung pamilya ng mister nila maldita sa kanya kya gusto na umalis, ikaw nman dahil lang sa pakiramdam mo na invade yung privacy mo. Adjust adjust ka din ksi may asawa ka na eh, kung ano yung nakasanayan mo dati, dati pa yun ksi dalaga ka, ngayon nagpamilya ka at hindi nman kayo nakabukod kya natural makikisama ka. Wala nman masama dun. Hindi ka nman nila inaapi, better pagsabihan mo asawa mo na pagsabihan kapatid nya regard sa lo mo, or baka nman nagseselos ka lang sa kapatid nya

Thank you po sis. Narealize ko po nag oover react lang po ako sa mga bagay2 dala na din ng pagiging first time ko na maging mommy yung mood ko po iba iba minsan.

Ganyan din kapatid ko pag nauwi kame samin(bahay ng parents ko) ginigising nya c lo pag tulog na. Pero 1 time pinagsabihan ko na wag gisingin kc para makapagpahinga din kme mag asawa kakaalaga. 1st pamangkin kase kaya naiintindihan ko. Gusto din ng kapatid ko na tabi cla ni lo pag matulog. Kaya hinayaan ko sya matulog sa tabi ni lo isamg beses d na nya inulit kase napuyat talaga sya dahil naiyak c lo pag madaling araw 🤣. Napasok din sya sa kwarto pag umaga para tgnan c lo. Kaya ang ginawa ko pag gusto nya kunin c lo hinahayaan ko lng sya kc sya din naman mapapagod kakaalaga. Ibabalik nlng nya sakin pag mag dede na c lo 🤣

Thank you po sis sa advice :) minsan po pag nandito siya iniiwan ko sa kanya si lo din para makagawa ako ng chores.

Wlaa ka magagawa nakikitira lang kayo eh at hnd din naman napagsabihan ng asawa mo ang ate nyang manhid. Kaya alam nyo bago kayo mag asawa learn how to be close sa mga in law nyo. Promise kapag mag BF/GF palang kayo dpt close nyo na sila ung tipong mapagsasabihan nyo sila ng bad attitude nila ng hnd sasama ang loob nila.

Bayaw? o Hipag? Asahan mo na yung ganyang eksena dahil nga nakikitira ka, pag inireklamo mo ikaw ang masama. Kaya ayoko talaga nakikitira kasi ayoko na may pinakikisamahan at ayoko yung thought na wala akong privacy. Kung sa simula pa lang naisip nyo bumukod, baka wala kang ganyang rant ngayon.

Be thankful na love na love ng sister in law mo yung baby nyo. Nag lalambing lang yan sa pamangkin nya🥰 I think wala naman pong masama sa ginagawa nya.

Thank po sis😊

Hintay na lang po kayo after lockdown. Bumukod na kayo, siguro din po unang pamangkin niya ang lo mo kaya gusto niya lagi niyang pinupuntahan.

Pasalamat ka na lang sis na love ng sister in law mo ang baby mo kesa walang ka amor amor o walang pakealam sa pamangkin.

Mgkaiba po Ang bayaw sa hipag....

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles