Hormones. Ganyan talaga pag buntis Momsh at yan ang hindi maintindhan ng mga ibang kalalakihan. Di din natin sila masisisi kasi aware sila na toyoin daw mga babae. 😅 Feed your mind with positive thoughts. Minsan without realization sumosobra na din pala tayo. Momsh, wala si baby nag aaway na kayo. Paano pa pag dumating na si baby? Kaya dapat ngayon pa lang, pag aralan nyo na magpasensya, both of you po. Mag usap po kayo. Ipaintindi mo sakanya mga pinag dadaanan mo ngayong buntis ka.
Minsan nagiging ganyan din hubby ko sinasabe nya na ang arte ko ganito ganyan tapos utos daw ako ng utos pero sinusunod nmn nya hindi nmn kame nag aaway dahil dun pag sinasabe nmn nya kase yun parang pabiro lang tapos sinasabihan ko sya na try nya kaya sya yung buntis sabe nya ayaw nya daw kaya sinusunod nalang nya ko hehe parang biruan nalang samin yung ganyan atleast kahit papanu goodvibes lang.
Ako nmn momsh gusto ko umuwe samin syempre tayong mga babae gusto naten nasa nanay naten pagkananganak lalo na ftm bukod sa mas komportable mas maaalagaan tayo kase nanay naten yun. yun yung pinag aawayan talaga namin kase sya ayaw nya na umuwe ako kahit pumasyal lang ako samin gusto nya dito lang ako sa kanila at dito manganak syempre ako ayoko dahil sobrang ilang ako tsaka di talaga ko komportable lalo na siguro pag nanganak ako hanggang sa pumayag nalang din ako basta sabe ko sa kanya pag ok na ko at pwede ng bumyahe si baby uuwe uwe kame samin at gusto ko bumukod kame ayoko kase makitira sa in laws alam mo yung lahat ng galaw mo may limitasyon tsaka ayokong may makekealam sa pag aalala o pagpapalaki ko sa anak ko sa pangalan pa nga lang ng baby namin nakikialam na sila e para maiwasan na din namin yung hindi pagkakaunawaan kaya gusto ko na bumukod kame pag kaya na.
Anonymous