#2monthsbaby

Gusto ko Lang maglabas ng hinanakit ko dito kasi parang ayaw nila maniwala sakin lalo na ung mil ko gusto kasi nila painomin ng painomin si baby ng balsamo (carminativo) para daw hindi iyakin at hindi kabagin kaso un po ung nagcacause ng pagkakaroon ng rashes ng baby ko kasi po basa po ung poop niya parang duda pa ung mil ko sa mga sinasabi ko . Ako pa ung sinisisi kasi daw dahil sa kinakain ko pero ung mga kinakain ko naman po healthy naman po. Tapos medyo nagiba ung ugali ng mil ko sakin parang iba na ung pakikitungo niya di tulad dati na mabait madalang na lang din niyang hawakan si baby parang minsan ayaw pa niya kapag sinasabi ng lip ko na hawakan saglit. Pinagsasabay ko po magaral habang inaalagaan si baby minsan nakakaiyak na rin po kasi parang walang gustong tumulong sakin magalaga . Parang tingin po nila sakin walang alam sa pagaalaga pero tinatry ko naman po ung best ko ung mga ginagawa ko nmn po Kay baby with knowledge Naman po sa iba at dito.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

May prescribed dosage ang paginom neto ah and I hope you did consult your pedia about this. If not, baka pwede mo to gawing bala sa MIL mo. Na masama ang mag self medicate especially sa mga newborn. Your baby your rule dapat pero given your situation and our culture madalas talaga to mabypass ng ating mga relatives, in laws, etc. Just let them know your stand on things and communicate to them in a polite manner and full of respect. After all, iisa lang naman ang goal eh to give your baby the best of best. Keep on praying momma, stay strong and study hard para you can give what's best for your baby! ❤️

Magbasa pa
4y ago

thank you po sa good advice momshie ♥️♥️♥️