Judgment amp.

Gusto ko lang mag labas nang sama ng loob. I am a first time mom, I have my 2 months 23 days baby at HINDI PA NYA NA LIFT ANG ULO niya. Ang problema kasi ang mga tao sa paligid ko. Kinokompara si LO ko sa iba. Kesyo iba daw 2 months palang kaya na buhatin ulo, kesyo ganito ,ganyan. Nakaka irita , naawa ako sa baby ko mimamadali nila. Hindi ko mapigilan umiyak nalng. Nakangiti ako sa harap nila pero kapag kami nlang nang baby ko nakakaiyak. Kailangan ko ng encouragement. #advicepls #firstmom

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hindi parepareho ang development ng babies mamsh. hayaan mo lang mga taong nakapaligid sayo. kahit anong gawin mo, yang mga taong yan maghahanap ng mali kaya deadma nalang. alagaan mo din mental health mo. wag lang si baby. then more tummy time for baby, para madevelop motor skills nya, hindi lang paglift ng ulo magagawa nya. padapain mo lang sya from time to time. mga 30secs to 1 min. pwede din 2mins. depende sa kaya ni baby. malalaman mo pag pagod na sya sa tummy time. maya maya uli. ganun lang everyday. you're doing great mommy! importante kayong dalawa ni baby. healthy sya. okay na yun. 😊

Magbasa pa