Di kami okay ng Byenan ko at Pamilya niya

Gusto ko lang mag confess dito nasagot ko kasi yung byenan ko nung nanganak ako 5 days ata yun after ko manganak pano ba naman kasi masasagot mo pasok ng pasok sa kwarto namin ikaw tong puyat, nung kinabukasan naman nangingialam sa pag papalit ko ata ng diaper o sa bigkis yun lng maalala ko ganito siguro pag cs makakalimutan na de ayon nasagot ko "Nay wag nga po kayo nangingialam". Nasaktan siya umiyak ng umiyak pinaalis na kami ng asawa ko sa bahay nila inuwi ako sa bahay ng magulang ko, alam kong mali ako sa part na yun (Wala sana kokontra parang na postpartum ako nung time na yun dahil kapapanganak ko lang). Okay na lumipas ang isang buwan at araw nagkaayos kami ng byenan ko nagpasensya ko sa nangyari bumawi ako sa byenan ko. Pero naulit na naman di ko maintindihan sarili ko yung sa part ko kasi nung nagawa ko yung naging harsh yung pamilya niya sakin di na ko welcome katulad ng dati at di na ganon sa dati pakikitungo nila sakin dahil sa nagawa ko sa byenan ko. Mas lalo kinagalit nila nung di nako pumu punta kasama yung apo nila sa kanila pano ba naman kasi ako pupunta kung kaplastikan at di naman na totoo yung pagharap nila sakin. Siguro di na healthy pati sa asawa ko nag aaway kami madalas kaya naghiwalay kami tuluyan. Pinili ko na yung peace of mind ko pinalaya ko siya sa ikagagaan ng lahat para sa katahimikan magulo na kasi. Maraming salamat po sa mahabang pagbabasa ❤️✌🏻

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply