In-laws problem
Gusto ko lang mag ask ng opinion niyo mga mamsh regarding my feeling, I'm currently 36 and 5 days pregnant and nakaschedule na for Cs sa ika 38 weeks ko , at dahil scheduled Cs ako ay naihanda na Namin lahat ng needs ni baby at nalabelan na lahat napag usapan nadin Namin ni hubby Ang name Niya ng kaming dalawa lang and we both agree na. By the way this is my second pregnancy and second child na sana pero Kasama na ni lord SI first born Namin, napag usapan Namin ni hubby na Walang pagsasabihan Muna ng name ni second baby dahil ayoko na maulit Yung nangyari sa name ni first born na naiba iba during sa hospital na kami at ireregister na Ang name Niya, pero etong si hubby sinabi sa sister Niya kaya nalaman ng mother in law ko, recently lang sinabi Niya na need Namin palitan Ang name ni baby #2 at ayaw daw ng mommy niya sobra akong naiinis mga mamsh, maraming suggestions Ang mommy niya regarding my pregnancy na pinapalampas ko pero Ngayon grabe Yung inis ko Yung tipong nanginginig ako sa inis at naiiyak Kasi feeling ko di pa lumalabas SI baby Wala na Kong karapatan sa kanya, Ultimo pag pangalan sa kanya need pa ng approval ng in laws, di ko pinapansin si hubby up until now dahil inis ako sa kanya na di Niya man lang kaya humindi sa parents Niya pero at the same time nagiguilty ako sa nararamdaman ko, Tama ba mga mamsh na makaramdam ako ng inis? At need ba talaga Namin iconsider o isama sa usapan Ang in laws ko regarding sa pag decide ng name ng baby Namin? Sorry for long post mga mamsh, at thank you nadin in advance 😊