In-laws problem

Gusto ko lang mag ask ng opinion niyo mga mamsh regarding my feeling, I'm currently 36 and 5 days pregnant and nakaschedule na for Cs sa ika 38 weeks ko , at dahil scheduled Cs ako ay naihanda na Namin lahat ng needs ni baby at nalabelan na lahat napag usapan nadin Namin ni hubby Ang name Niya ng kaming dalawa lang and we both agree na. By the way this is my second pregnancy and second child na sana pero Kasama na ni lord SI first born Namin, napag usapan Namin ni hubby na Walang pagsasabihan Muna ng name ni second baby dahil ayoko na maulit Yung nangyari sa name ni first born na naiba iba during sa hospital na kami at ireregister na Ang name Niya, pero etong si hubby sinabi sa sister Niya kaya nalaman ng mother in law ko, recently lang sinabi Niya na need Namin palitan Ang name ni baby #2 at ayaw daw ng mommy niya sobra akong naiinis mga mamsh, maraming suggestions Ang mommy niya regarding my pregnancy na pinapalampas ko pero Ngayon grabe Yung inis ko Yung tipong nanginginig ako sa inis at naiiyak Kasi feeling ko di pa lumalabas SI baby Wala na Kong karapatan sa kanya, Ultimo pag pangalan sa kanya need pa ng approval ng in laws, di ko pinapansin si hubby up until now dahil inis ako sa kanya na di Niya man lang kaya humindi sa parents Niya pero at the same time nagiguilty ako sa nararamdaman ko, Tama ba mga mamsh na makaramdam ako ng inis? At need ba talaga Namin iconsider o isama sa usapan Ang in laws ko regarding sa pag decide ng name ng baby Namin? Sorry for long post mga mamsh, at thank you nadin in advance 😊

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

As long as you know that your baby will love his/her name pag tanda niya, go with it. Ganun lang pananaw ko, mumsh. Ang ayaw ko lang yung mga names na sobrang weird na nababalita sa TV kasi bakit parang hindi pinag isipan na dadalhin yun habangbuhay ng anak nila, ganyan. Pero kung yung name na napili niyo ay you think your kid will love and be proud of, go. Anak niyo yan, kayo dapat nagdedecide ng name niya unless nagtanong kayo sa kanila. My MIL was also suggesting a name sa baby namin ng hubby ko when I was preggy. Kahit kaharap ko yung brother-in-law ko that time na nagssuggest mom nila, I was firm na no, ito ang name ng anak namin, we will stick to it. Paulit ulit yun, ilang araw na ganun. Kesho isama daw part ng name ko or ng hubby ko, which is I am not a fan of (mixing of names ng parents sa name ng anak), sabi ko talaga mommy ayaw ko po ng ganun, hindi ako nagagandahan. Ito na talaga name ng baby. Ulit ulit hanggang yung brother in law ko na matabil sumagot na sa kanya na ma wag mo na ipilit hindi maganda. hahaha. Pati yung asawa ko, hindi niya din hinayaan mom niya, sinabihan niya na kung ano ang decision namin sa name ng baby, that's it. Even when writing my child's details sa certificate sa hospital, ako ang gumawa para walang makikialam. Pinilit ko bumangon para magsulat noon (CS mom) para sure ako na walang magpapalit ng pangalan ng anak ko. Mumsh, be firm. Kesehoda magtampo, wag mo hayaan pakialaman name ng anak niyo. That is too precious for you to give up on according na din sa kwento mo.♥️

Magbasa pa