As long as you know that your baby will love his/her name pag tanda niya, go with it. Ganun lang pananaw ko, mumsh. Ang ayaw ko lang yung mga names na sobrang weird na nababalita sa TV kasi bakit parang hindi pinag isipan na dadalhin yun habangbuhay ng anak nila, ganyan. Pero kung yung name na napili niyo ay you think your kid will love and be proud of, go. Anak niyo yan, kayo dapat nagdedecide ng name niya unless nagtanong kayo sa kanila.
My MIL was also suggesting a name sa baby namin ng hubby ko when I was preggy. Kahit kaharap ko yung brother-in-law ko that time na nagssuggest mom nila, I was firm na no, ito ang name ng anak namin, we will stick to it. Paulit ulit yun, ilang araw na ganun. Kesho isama daw part ng name ko or ng hubby ko, which is I am not a fan of (mixing of names ng parents sa name ng anak), sabi ko talaga mommy ayaw ko po ng ganun, hindi ako nagagandahan. Ito na talaga name ng baby. Ulit ulit hanggang yung brother in law ko na matabil sumagot na sa kanya na ma wag mo na ipilit hindi maganda. hahaha. Pati yung asawa ko, hindi niya din hinayaan mom niya, sinabihan niya na kung ano ang decision namin sa name ng baby, that's it.
Even when writing my child's details sa certificate sa hospital, ako ang gumawa para walang makikialam. Pinilit ko bumangon para magsulat noon (CS mom) para sure ako na walang magpapalit ng pangalan ng anak ko.
Mumsh, be firm. Kesehoda magtampo, wag mo hayaan pakialaman name ng anak niyo. That is too precious for you to give up on according na din sa kwento mo.♥️