Share ko lang po

Gusto ko lang ishare to mga sis, sobrang stress na kasi ako 31 weeks pregnant na ako sabi sa app na to.. 31 weeks wala akong check up walang tinatake na vitamins single mother to be dahil yung ex bf ko tuluyan na kami pinabayaan ok lang sana if magsustento kaso wala kahit piso, binlock nya ako sa lahat na kahit family nya binlock din ako, ang hirap hirap po pala ng ganto walang wala ka di ko alam kung paano po kami ng baby ko nito kahit check up wala ako di ko alam gender ni baby, kaht pang bili ng gamit ni baby wala.. Hindi ko naman maasahan family ko kasi sa panahon ngayon wala na din mga hanap buhay nakakadepress mga sis, baka po may mga alam kayo na financial assitamce na pwede ko malapitan para sana mairaos ko panganganak ko, #1stimemom #pleasehelp #advicepls #pregnancy #firstbaby

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pwede ka magpacheckup sa barangay nyo. They also give out free prenatal vitamins and may libre pang vaccine for Td. May mga program din sila for the first 1000 days after you give birth. Pipila ka lang. May ibang Rural Health Units na may endorsement for free UTZ and sometimes, may hospital din sila na pwede ka manganak ng libre. Check mo sa community mo. :)

Magbasa pa
VIP Member

sa barangay health center naman may libreng check up, may libreng Vitamins din