Postpartum depression
Gusto ko lang ishare etong ppd ko. Para naman mabawasan etong naramdaman ko ngayon. Ewan ko pero sobrang lungkot ko kapag magisa ako. Kapag naiiwan kami ng baby ko. Kapag umaalis siya at pumapasok nawawalan ako ng gana kumain kasi magisa ako. Walang makausap. Walang makakwentuhan. Puro gawing bahay nalang ginagawa ko para malibang ako. Para diko maisip yung mga problema namin ngayon. Kung saan kukuha ng pera pangkain, pambayad ng bahay ng kuryente. Nagdodoble kayod na siya. Pumapasok sa office pag dating sa hapon sumasideline sa grab rider. Naawa ako sa kanya kasi wala ako magawa. Lahat sa kanya. Di ako makatulong. Na ang dating pangako ko sa kanya noon magtratrabaho padin ako kahit nakapanganak nako. Pero paano? Yung company na pinapasukan namin nag temp shutdown na. At kung magbubukas man pili nalang ang mga kukunin at isa ako sa di makukuha. Ang dami ko plano noon nung wala pang pandemic. Sabe ko bibili ako ng mga gamit ng lo ko. Yung mga bagay na pinapangarap ng mga mommy makumpleto lahat ng gamit ng baby. Kaso diko nagawa. Sabe ko pa noon papalitan ko lahat ng gamit sa bahay. Bibili ako ng bagong bedsheet. Bibili ng bagong kutson (yung ginagamit kasi namin yung banig lang na may foam) para sana pag lumabas si lo malinis bago lahat. Kaso 2mons na lo ko hanggang ngayon wala padin. Ayuko gumastos. Ayuko gastusin pera niya dahil ang tanging matutulong ko nalang ngayon ay ang pagtitipid. Kaya kahit cs ako wala pang isang linggo naglaba nako para di na kami magpalaundry every week. Mapa ulam tinitipid ko. Kahit nagugutom sa hapon tinitiis ko matipid lang yung kanin yung bigas. Wala ako magawa. Feeling ko wala akong silbi. Feeling ko wala na akong kwenta. Palamunin. Pabigat. Yan na tingin ko sa sarili ko. Yung dating pinangako ko sa kanya na magtutulungan kami hindi kona magawa. Naawa ako sa kanya kapag nababasa sya ng ulan. Kapag nahuhuli sya ng mga traffic enforcer. Diko alam. Pero sinisisi ko sarili ko. Siya doble kayod samantalang ako andito sa bahay. Magaayos ng bahay. Maglalaba. Maghuhugas ng pinggan magaalaga lang ng bata. Yung dating kami na nililibre ko siya. Binibilhan lahat ng gusto niya (nung may work pako) sinusurprise ko siya. Ngayon diko na magawa. Parang feeling ko di na ako yung nakilala nya noon. Kasi ngayon pabigat at palamunin nalang ngayon. Ang dami kong pangarap saamin. Ang dami kong plano. Pero di ko nagawa dahil sa pandemic na to. Gusto ko sumideline. Mag online seller din sana kaso yung company ko ayaw ibigay ang matben ko dahil wala na daw pondo ang company. Aantayin pa yung sss na ihulog sa company para lang maibigay saakin ng buo. Diko naman magastos pera nya kasi sakto nalang sa lahat. Ayuko kasi na pag nalugi ako eh magsisihan kami. Kaya gusto ko sarili kong pera. Incase man malugi diko sisisihin sa iba. Sa tuwing natutulog siya sa gabe wala ako ibang sinasabe kundi sorry. Sorry kung di kita natutulungan. Sorry kung di kita nadadamayan sa gastos. Sorry kung andito lang ako sa bahay gumagawa lang ng gawaing bahay. Sorry kung napapagod kana sa araw araw kasi nagdodoble kayod ka para saamin. Para lang matustusan lahat ng pangangailangan. Sorry. Gusto ko lang ishare. Wala ksi ako mapagsabihan. Wala ako makwentuhan. Minsan umiiyak nalang. Para mabawasan. Pero sa tuwing gigising ka ng umaga tas ganun padin ang sitwasyon lage mo mararamdaman sa sarili mo na wala kang silbi. Gusto ko nalang matapos tong ppd ko at covid na to. Mahirap din maghanap ng katulong. Una wala kang pambayad pangalawa mahirap magtiwala sa iba. Kaya pag uuwi yun sa bahay. Hindi ko na siya pinag aalaga ng bata. Diko na siya ginising sa madaling araw para patulugin ang bata. Ako na lahat gumagawa para makapag pahinga sya. Yun nalang kasi magagawa ko. Pero alam ko di padin yun sapat. Di pa yun kuntento para sa mga gingawa niya. Kailangan ko tumulong lalo na sa panahon ngayon. Pero paano? Ang lungkot. Sobrang lungkot. Salamat sa pagbabasa.