Awareness for Rabies Worth to read ccto sa owner

GUIDES FOR RABIES. Hello po. As a medical professional, I just want to share my knowledge about rabies. Subukan ko po itagalog lahat para maintindihan ng nakararami. Marami na kasi ako nakikita, nababasa or nagtatanong about sa rabies. Hindi lahat pero karamihan o marami narin ako nababasa na nagbibigay ng kanya kanyang opinyon dito na mali. Kung nakagat daw ba sila ano ang gagawin? Kapag nakalmot may rabies ba? First of all, ang rabies ay hindi innate or inborn. Ibig sabihin hindi lahat ng aso pagkapanganak ay may rabies. Hindi lahat ng tuta ay may rabies. Hindi rin totoo na mas malakas ang rabies ng tuta kaysa sa adult na aso. Ang rabies ay isang virus (Rhabdovirus). Magkakaroon lang ng rabies ang isang aso kapag nakagat ito ng rabid na aso, pusa, racoon, o paniki. Hindi totoo na sa maduming lugar tulad ng basurahan o bulok na pagkain nakukuha ang rabies. Ang aso na may rabies ay may taning na ang buhay na hindi lalagpas ng 2 weeks. Kaya namamatay ang aso na may rabies dahil infected na siya ng virus at umakyat sa utak. Kaya nauulol ang aso kapag may rabies dahil dito. Walang katotohanan yung kapag namatay ang aso ay dahil nakakagat siya ng tao at nailipat rabies. Ang asong may rabies ay mamamatay at mamamatay kahit makakagat ng tao o hindi. Walang kinalaman ito sa pagkakagat sa tao. Ano ang dapat gawin pag nakagat o nakalmot ng aso? May rabies din ba ang kalmot? Pwede ba bawang sa rabies? Alamin natin history ng aso natin. Kapag alaga natin ang aso at sa bahay lang at hindi asong gala, at nakagat o nakalmot dahil sa harutan, most likely wala itong rabies. Tulad ng sinabi ko hindi inborn ang rabies sa aso at pag may rabies. Ang una dapat gawin ay hugasan at sabunin ang area ng nakagat para maiwasan ang infection. Infection o mikrobyo na maaring pumasok sa sugat at hindi yung rabies. Kaya usually nagbibigay tayo ng vaccine na anti-tetanus. Yes may rabies din ang kalmot kapag may rabies ang aso o pusa. Kaya may rabies ang kalmot hindi ito dahil sa kuko, dahil ito kapag dinidilaan ng aso o pusa ang mga kamay niya. Hindi po macure ng bawang ang rabies. Walang katotohanan ito. Sa buni o an-an baka pwede pa haha. Kailangan paba magpaturok ng para sa rabies pag nakagat o nakalmot aso? Itong sagot na ito ay fact or katotohanan lamang. Kapag ang aso mo ay alaga mo, kilala mo magulang aso at san galing, nasa bahay lang, hindi nakagat ng ibang aso o pusa sa labas, lalo na kung may rabies vaccine, ang sagot ay HINDI na. Most likely walang rabies ang aso mo. Ang kailangan lang ay anti-tetanus vaccine para iwas infection dahil sa sugat. Kapag Dr sa hayop o vet ang tatanungin at nakita o nasuri na healthy naman ang alagang aso hindi narin niya ito irerequire. Pero walang masama kung duda ka at wala ka masyado alam sa rabies virus at gusto mo ng peace of mind. Natural lang na kapag pumunta ka saming mga doctor, ay isuggest na paturok first dose then observe aso. Pag di namatay aso no need to continue. Pero may mga doctor din na magtatanong about sa aso kung alaga ba or paano nakagat, kung nauulol ba yung aso at nangagat or nakagat dahil sa harutan. Yung iba anti-tetanus vaccine nalang. Pag nag insist yung patient wala naman problema kung gusto niya magpaturok para sa rabies. Kapag asong gala naman ang nakakagat sayo or sa labas ng bahay ka nakagat at hindi mo aso, this is the time na dapat ka mag paturok para sa rabies and anti tetanus. Pag namatay aso, kailangan kumpletuhin shots. Kailangan din madala yung aso sa RITM. Pinuputol ang ulo nito at sinusuri ng mga specialista for confirmatory. Inuulit ko po. Ang mga nabangit ko ay fact o katotohanan at base sa napagaralan at kaalaman ko. Nasa sainyo parin ang desisyon. Maraming salamat! ctto

3 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

sharing this too: https://medlineplus.gov/:   People at high risk of exposure to rabies, such as veterinarians, animal handlers, rabies laboratory workers, spelunkers, and rabies biologics production workers should be offered rabies vaccine.   The vaccine should also be considered for: (1) people whose activities bring them into frequent contact with rabies virus or with possibly rabid animals, and (2) international travelers who are likely to come in contact with animals in parts of the world where rabies is common.   The pre-exposure schedule for rabies vaccination is 3 doses, given at the following times: (1) Dose 1: As appropriate, (2) Dose 2: 7 days after Dose 1, and (3) Dose 3: 21 days or 28 days after Dose 1.   For laboratory workers and others who may be repeatedly exposed to rabies virus, periodic testing for immunity is recommended, and booster doses should be given as needed. (Testing or booster doses are not recommended for travelers.) Ask your doctor for details.   Anyone who has been bitten by an animal, or who otherwise may have been exposed to rabies, should see a doctor immediately. The doctor will determine if they need to be vaccinated.   A person who is exposed and has never been vaccinated against rabies should get 4 doses of rabies vaccine--one dose right away, and additional doses on the 3rd, 7th, and 14th days. They should also get another shot called Rabies Immune Globulin at the same time as the first dose.   A person who has been previously vaccinated should get 2 doses of rabies vaccine--one right away and another on the 3rd day. Rabies Immune Globulin is not needed.

Magbasa pa

Nakatulong po, nkalmot po kc aq ng pusa nmin, sobrang liit lg, at di nmn lumalabas mga pusa q... Ng worry lg aq kc po 5months preggy po aq.. Ayaw din ng asawa q n basta n lg aq mgpaturok ng anti rabies.. Anti tetanu nturukan nq... Actually kahit di pa aq buntis ilang beses nq mkalmot ng mga pusa q... Hinuhugasan q lg ng mbuti 😊

Magbasa pa
5y ago

ako nung buntis nun accidentally nkagat ako ng baby dog ko..pero ok nmn ako my turok din ako noon ng anti tetanus

Hi mommy! Worth reading. Thank you

6y ago

Ur welcome mommy!😊