Induced for 16 hours
Grabe di pala basta2 ang sakit pag ma induced ka. Admitted po ako last June 15 at 11 am. With oxytocin +10 at +20 dextrose na pang pa hilab at 2 injections para panipis ng cervix. EDD ko is June 7, 2022. Over due na still 2cm pa din. 16 hrs bali yung pag hilab ng tiyan ko at decided na talaga na mag pa cs nalang ako kinabukasan para ma stop na yung gamot pangpahilab. Around 1am ng June 16, halos mahihimatay na ako sa sakit yung parang wala kanang ma dinig sa paligid mo at pinapawisan ka na. Buti nalang talaga may operation si Doc nung oras na yun at na pasyahan nya na bumisita sa room ko. Pag I.E sakin, 8 to 9cm na. Buti nalang talaga na abutan nya akong may malay pa ๐ Nilipat na ako sa delivery room around 1:30am, grabi inabot ako ng almost 2 hrs pag iri ko kasi first baby ko sya tapos makapal yung lining sa pwerta ko. Nalabas ko si baby ng 3:23am. Kala ko talaga ma uwi ako sa cs sa sobrang sakit na naramdaman ko sa gamot for induce. Nakaraos narin ako. Sana kayo rin mga mommy and praying for your safe and normal delivery ๐ Meet my healthy and beautiful 7.1 lbs baby girl ๐ถ๐ #1stimemom #firstbaby #JuneBaby #teamjune