Curiousity

Goodpm po mga momshie, tanung ko lang. May nakaexperienced na po ba sainyo ng tulad ng sakin? Duedate ko na po kasi bukas kaso gang ngayon dipa po ako nkakaramdam ng kahit anong hilab or what. Ni ie po last day kaso sarado p cervix ko😣 pano po ba dpat gawin? Natatakot naman po ako magpa Cs. 😣😥 #1stimemom #firstbaby

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ask nyo po ob nyo evening primrose oil.ako pinagtake nun for 5 days(3x a day) pero sa pa 3 days nagopen n agad cervix ko..then morning oct 22 ie ako 5cm n po mga 11:30 nun nagpunta ako clinic..pinadertso na ako sa osptal mga 4:20 pm nanganak na po ako ..pray lang momsh and kausapin mo si baby . 38weeks sakto ako nanganak 3.4kgs via nsd

Magbasa pa
VIP Member

Same tayo Mamsh, due date na pero wala pa rin sign ng labor galing na din ako sa OB closed cervix pa rin tapos sabi for admission na ako sa CS kaso di ako pumayag kasi iniisip ko nagreready pa rin si Baby, pumayag naman sila pero need ko magpa ultrasound ulit and BPS today. Sana okay pa sya and within this week makaraos na ako ng normal.

Magbasa pa
5y ago

Ou Mamsh, same tayo today due date. First Baby ko po kasi to.

VIP Member

Ganyan din po sakin nun mommy, lagpas na sa duedate ko no sign of labor padin, gang umabot ako ng 42weeks dipa din ako nanganganak ginawa ng ob ko binigyan nya ko ng primrose oil kase nga baka matae na daw sa loob si baby, nakatake lang ako nun ng tatlong beses tapos nakaramdam nako ng paghilab ilang oras din lumabas si baby😇

Magbasa pa
5y ago

Saakin po 3x a day isang araw kolang sya nainom di kopo sya naubos , wala po saken pina insert, pagkatapos po nun nung 10:00 ng gabi humihilab na sya tapos naninigas, gang nag sunod sunod nayung hilab lumabas yung baby ko 4:19 basta pray lang mommy tsaka kausapin mo si baby😇 lalabas din po yan sana po mainormal nyo at lumabas po sya malusog😊

Suggestion lng mom, huwag mo na palampasin sa due date mo, kung pwede pa induce gawin mo na, kasi sakin pinaabot ko ng 7 days lagpas sa due date at nka poop si baby inside, na discharge ako kahapon sa ospital pero si baby admitted parin nasa NICU xa dahil na infected nkakain ng poop at mag stay xa doon hanggang 7 days

Magbasa pa

Ako rin po ganyan. Kalmadong kalmado lang naman po yung OB ko noon. Lumampas ako ng 2 days. Wala akong naramdamang kahit na ano at closed din si cervix. Sumakit lang puson ko nung araw na manganganak na ako. Nag open si cervix ng 9mm pero di pumutok yung tubig ko. Si OB na nagputok nun.

5y ago

Sana nga po okay talaga kayo ni baby. Chill lang po muna kayo. Tiwala kay OB 😁 Napagnormal niya po ako at di ako gaano nahirapan manganak kahit lampas sa 3 kg si baby.

. ganyan din ako sis..1 day nlng duedate ko na wala pding khit ano..tpos nag pa ultra sound ako nkita ntuyuan na ng tubig c baby kya ngpunta nko sa ospital for emergency cs.....ung iba nmn po pag 1stbaby lumalampas tlga sa duedate nila...punta ka po ob para di ka po mag alala..

VIP Member

Ilakad niyo lang po. Ganiyan din po ako due date k na wala pa ding pain so ginawa ng parter ko sinamahan niya ako maglakad ng halos 2 hours yata yun sa mga pataas pababa nung madaling araw nag start na ko mag labor.

VIP Member

Overdue ka na ba mamsh? Kasi ang sabi nila pag first baby, pwedeng lumabas yan 2 weeks before or 2 weeks after ng expected due. Kalma ka lang. Pwede kang maglakad lakad at mag squat konti.

ako pi umabot ng 41weeks and 1day hindi naglabor so na CS po ako that day na nagpacheck up ako ipina-admit na ako ng ob ko kasi di talaga ako nakaramdam ng pain

5y ago

nakakain na po, kaya nagstay pa sya ng ilang araw sa hospital para mag antibiotic pero now ok na sya

wag po mg alala momshie squat walking k lng po tas inom k luya effective po sya,,nanganak po ako 40 week 3 days,,kakapanganak ko lng po nung oct. 22

5y ago

Same tayo mommy kaka anak ko ln oct 22 :) Oct 19 nagpa ie ako closed cervix pa then take ako primrose oil oct 22 may blood na then ie ako sa clinic 5cm na dertso na ospital from clinic😄buti dala ko na maleta namin ni baby.38 weeks ako nung nanganak