15 Replies

nangyari din po sa akin to, oct 4 nagpa ultrasound ako okay naman, naka breech so baby so more on sa may puson ko sya ramdam. Tapos after a week humina yung movement, nag worry ako kaya nag text ako agad kay OB and inadvise nya pa ultrasound na lang ulit para makasigurado. nung nagpa ultrasound ako ayun umikot lang pala sya, cephalic position na kaya di ko na ramdam sa may puson. Napagastos mas ulit, at least napanatag naman kami na okay si baby. Inform your OB po, and follow their advise.

20 weeks 3 days ako. may times na hindi masyado ramdam movement ni baby pero may times na ang galaw nya. lalo pag nakahiga ako at nka left side ang likot nya. pansin ko din magalaw sya pag inom ako ng malamig... ktapos lng din check up ko last friday ok nmn ang heartbeat. wag mo masyado worry mommy as long na ok naman si baby as per ur ob wag po kau mastress... pero kung gusto niyo mapanatag pa ultrasound po kau ulit...

ganyan din po ako nung tuesday hindi sya nagalaw ng 10Am-5PM tas gumalaw man sya nung gabi saglit lang at mahina kaya kinabukasan nung hindi parin sya gumalaw ng malakas ng umaga nagmsg na ako sa OB ko kaya pinagpelvic ultrasound nya na ako nung wednesday din. ok naman si baby baka lang daw nagbago ng sleeping cycle at nagbago din daw kasi position kaya ganun. 20weeks din ako.

feeling ko nga po sa sleeping cycle nya mdalas malikot sya ng hapon hanggang gabi sa umaga behave sya..

same po tayo ganyan din ako nung di masyado gumagalaw si baby pero ramdam ko na may mga parang hangin sa loob ng tummy ko sabi din kasi nila kapag nasa 6 months kana medyo malakas na pag galaw ni baby sa loob ng tummy natin basta yung heart beat ni baby normal.

sakin din nung 20 weeks ako..di ko pa masyado ramdam galaw ni lo...madalang lng..konting sipa.. pero I feel you..nkakapraning tlaga.. continue praying lng then take your vitamins tpos ingat plagi.. regular check up.. magiging ok dn ang lahat..

Most of time po kasi mommy mga ganyan weeks tulog ng tulog ang baby. Dont worry po. As long as ok sya sabi ni ob. Wag ka magpakastress maapektuhan din si baby, kausapin nyo nlg sya lagi.

VIP Member

Dipende po kasi din sa posisyon ni baby yan. Lagi nyo nalang pong kausap at patugtugan. Kung wala din naman pong sinabi si doc wag na po kayo magworry baka mastress lang din po si baby.

Super Mum

Hindi pa masyadong ramdam movements ni baby niyan mommy😊 kung normal naman po advise ng OB niyo po.. Wag na po kayo magworry😊

bili ka na lang po ng fetal doppler. it really helped me po during 3rd trim kasi very worrier po ako bilang ftm..

baka tulog lang po c baby mo sis.. try nyu po kumain ng ice cream at inom ng malamig na tubig...

Trending na Tanong

Related Articles