12 Replies

ako rin po 6months buntis alam ko mahirap ung pinagdadaanan mo mommy dahil nd ka pinanindigan ng tatay ng anak mo same lang po tayo ng sitwayon pero no.1 ko po ginawa nagdadasal po ako kay lord na maibsan ung bigat na nararamdam ko ung pinagdadaanan ko iniisip ko talaga ung baby ko sa tiyan ko nd ako naghabol sa tatay ng anak ko kc kung ayaw talaga ng lalaki wala tayo magagawa na eh.ngayon kailangan maging matatag ako para sa baby ko.kung nakaya ko mommy makakaya mo rin yan isipin mo na my blessing na binigay si lord satin lahat ng pagsubok sa buhay natin malalagpasan din natin yan.lahat na nangyayari sa buhay natin my mga dahilan mommy pray 🙏 wag mo kalimutan yan ang dabest.

VIP Member

single mom here..hiwalay sa father nang baby ko before ko nalaman na buntis ako. pero nalaman nya iresponsable parin sya.. how to move on? ang ginawa ko nalang is hindi ko na iniisip ang taong yun,ang mundo ko ay umiikot nalang sa akin at sa baby ko..never ko hinayaan na maging malungkot ako dhil sa nangyayari dahil may sanggol sa sinapupunan ko..wala rin akong paki sa sasabihin nang mga tao..puro happy thoughts lang ako hanggang sa dumating ang point na bigla ko nalang nakalimutan ang ama nya kahit pati cp number nya dko na matandaan..hahaha.. kaya mo yan mamsh, dapat maging positive ka always para ka baby

always din pray kay God na bigyan ka nya nang lakas ng loob..kausapin mo always c baby na dapat maging strong,brave and healthy sya always.. anak ko now sobrang strong at napaka tapang kahit nagkasakit minsan hindi marunong sumuko at happy pill ko always🥰

same tayo sis, 8mons preggy ako now, pero ung tatay ng anak ko hnd na nagpaparamdam,, sa totoo lang mahirap nung una , iniyak ko lang s dyos ang lahat'! ,, lahat ng mga bagay n nagpapa alala sakin sa kanya tinapon ko ,number niya binura ko!! ,, at wag n wag mong iisipin ang taong alam mong hnd ka naman iniisip pinapahirapan mo lang sarili, ,wag kang mag hahabol wag mong gawing desperada ang sarili mo, ,,mag focus k s anak mo, lagi mong itatak sa isip mo n kaya mo kahit wala siya " hayaan mong dyos ang gumawa ng daan sa buhay nyong mag ina"

Makakatulong po ang pag-cut ng lahat ng communication nyo. Pero kung maghahabol po kayo ng support from him, siguro po pagkapanganak nyo na lang o maghulog na lang po sya sa bank acct nyo monthly, matic na nyang gagawin (pero yan po ay need pag-usapan muna para may understanding kayo sa support na gagawin nya). Need nyo rin po ng may makakausap katulad ng pamilya at kaibigan. Mag-focus din po kayo kay baby. Mahirap din po kasi madaliin ang pagmomove on, mas lalo pong mahirap pag minamadali.

thank you sa advice nyo, sna nga mlampasn ko to, wla akong ibng mhingan ng tulong about dto, di ako mkpg sabi sa mga mgulang ko dhil wala na po sila paki alam sakin lalo na sa kung anu man pinagdadaan ko ngayon

hello mii, gawin mo una mag dasal ka kay lord na samahan ka niya sa problema na meron ka ngayon next ang isipin mo nalang is yung kapakanan ni baby, tapos i-cut mo lahat ng communications mo sa kaniya. kaya mo yan mii pray lang and isipin mo lagi si baby. subok ko na yan and pag lumabas si baby ang oras mo nalang nakatuon sa kaniya dimo na maiisip yung guy sa past mo magiging happy pill mo na su baby. take care always mii🤎

mahirap lang yan sa umpisa mhie. pero don't let your emotion consume you. Isipin mo na lang sis na may napakagandang blessing na nasa sinapupunan mo. mahirap mag move on. di ito madalian proseso ito pero wag mo hayaang mastress ka dahil kung ano ang nafefeel mo ganon din nararamdaman ni baby. kaya mag focus ka lang muna kay baby. at darating ang time na unti unti makakabangon ka at maaayos din ang lahat

cut lahat ng communication.divert mo yung isip mo sa mga bagay na pagkaka abalahan mo.magset ka ng goal sa buhay mo.the best revenge yung makita nya na masaya ka at okay kayo ng baby mo kahit wala sya.wag ka magfocus sa emosyon mo.magdasal ka na makayanan mo at mas maging matatag ka sa pinagdadaanan mo.magsimba at makinig ng hillsong para sa peace of mind mo.

kaya mo yan sis.kapit ka kay Lord

TapFluencer

Mahigpit na yakap sayo mommy ♥️ normal na emotion ang nararamdaman mo ngayun siguro medyo extreme Lang siya kasi gawa ng hormones at pregnant ka. Ang mapapayo ko Lang ay tatagan mo ang loob mo para sa inyo ng baby mo. Lahat ng hirap na nararanasan mo ngayun for sure mapapalitan yan ng saya kapag nakita mo na ang baby mo na healthy pag labas nya.

Hello sis. Same tayo situation, pray lang tlaga. Si Lord lng makakahelp satin, isipin mo nalang may maganda plano si Lord. And hnggat maari wag na muna mkipag usap sa tatay nung bata, magpatawad and ipagdasal pa dn ntn sila, di para saknla kung hindi para din satin. Keep fighting! 🙏💪🏻

Move on is da best sis stay strong ang icipin mo ung baby mo yan ang blessing sau sis yan lang maipayo ko 😊😊🤰🤰🤰

Trending na Tanong

Related Articles