Pagbubuntis

Goodmorning po. Ask ko lang po sana kung ano po ang accurate na gagawin. Di po kasi ako sure kung preggy ako, 4 mos. na po akong hindi rin dinadatnan. Nung pinaangat ko po ang matres ko sabi ng manghihilot may laman na daw po tyan ko, then nagpunta po ako ng OB for ultrasound para makasigurado kaso hindi po sya makita sa ultrasound nagtry din po ako nagPT before po ako pumunta ng OB negative din po ang result.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

regular ka ba mi? Kasi kung hindi, Tapos nag negative ka sa PT, it means hindi ka buntis. Try mo mag pa Tvs para mas sure.(Share ko lang) Kasi ako last 2020 Hindi din ako dinatnan ng 3mos nag pa ultrasound ako wala din nakita negative din pt ko noon then sabi second opinion daw kaya nag punta ako sa ob ko para mag pa Tvs nakita sa transvi ko meron akong maraming bukol sa both ovaries ko. Tapos Dumating yung 2021 na as in wala na talaga akong period hanggang 2022 feb. and thanks god naoperahan ako ng feb. din kasi namaga din yung apendix ko kaya bale tatlong bukol yung inalis sa akin. Inalis din left ovary ko. Kaya right nalang meron sa akin. By the way I'm 10weeks and 5days pregnant mi. Pray ka lang. Baka stress ka lang kakaisip kaya nadidelay

Magbasa pa
2y ago

try niyo nalang po mag pa TVS mas sure.

Maganda po ang ginawa nyo na nagpunta kayo sa OB para malaman talaga. Since ala naman sya nakita baby. or any possible pa na ewan pa. ok lang po yan. marahil stress kayo lately? kaya wala kayong period for several months, pero para mapanatag kayo try nyo magpakonsulta sa other doctor, for your other health issues narin po.

Magbasa pa

bawal pa magpahilot ang 4 mos, tapos hindi ka pa naman sigurado kung 4 mos na yan. jusko libre naman ang checkup sa center, sana inagapan mo. kung negative ka sa pt baka may problem ka sa matres, kailangan mo magpacheckup ng maayos sa OB.

wala nakita sa transV negative yan sis.. mas accurate di hamak ang TVS kumpara sa kapa kapa ni manghihilot anyway if pregnant not advisable magpahilot! Anu ngapala Sabi n OB? baka may PCOS ka kaya di ka dinadatnan sis dapat may ibigay sayong gamot

2y ago

wala po. ang sabi lang sa akin is wala syang nakita sa pagtransV nya po din balik na lang daw po ako kapah positive na yong PT ko.

negative mi, di po kayo buntis if hndi po makita sa ultrasound o sa transv..hindi po accurate ang snsbe ng manghihilot since hndi naman po nila nkkta ang laman ng tyan o matres ntn..4 mos ka na pong delay bka may hormonal imbalance ka po

possible hormonal imbalance like PCOS. maigi po magpa check up, bibigyan ka request for lab tests nyan plus the OB sonologist can explain to you the result of your transvaginal ultrasound if you'll undergo one.

clearly your not pregnant. ano diagnosis sayo ng OB? di ba nakita sa result ng ultrasound kung anong meron sa matres mo?

2y ago

wala po. wala rin talaga syang makita sa loob po ng matres ko.

trust what you OB and ultrasound result than sa manghihilot.. mabuti po na you consulted a physician

inaabot din ako 4 months bago magka mens, hindi naman ako preggy, nagkapimples lang ako ng madami.

2y ago

hormonal imbalance yan, yung ginawa ko uminum ako ng pills Diane35 dun nagstart mawala pimples ko tapos nagkamens nadin ako, pero paconsult ka pa din sa OB kung paano ma regular ang mens mo at ano gagawin mo.

kung 4 months kana pong delay dapat malinaw na positive kana sa pt.

Related Articles