βœ•

8 Replies

Ako sis ang edd ko nov 8 pa pero nag leave nako ng Oct 7 kasi sabi ni OB tumitigas na daw tiyan ko possible daw mag premature labor ako kaya nag paaalam agad ako na mag leave na pinayagan naman ako ng boss ko, tinag as LOA nalang hindi muna binawas sa 105 days ko for mat leave. as long as kaya mo pa sis at wala kang nararamdaman okay lang naman pumasok para may exercise ka rin pero kung feel mo mabigat na sa pakiramdam mo mag leave kana.

depende sayo at sa company na pinapasukan nyo po. samin kasi ok na magleave kahit 2months before edd, lalo pa sa nature ng work sa hospital as a nurse, super tagtag and since regular govt employee at may mga naipon na leave (Sick or vacation leave), yun pinapagamit samin then saka namin magagamit yung mat leave if nanganak na talaga.. more or less nakadepende po sa inyo- kung kaya mo pa ba sagarin yung pagwowork until bago manganak

one week to three days before edd po kung gusto mamiximize ung matleave for post natal care.. ganun kasi ung ginawa ko sakin nun, one week before edd.. buti n lang lumabas na si baby sa second day ng matleave ko

kung di naman maselan, sis, magwork till kaya pa. then pag feel na na lalabas na, takbo na sa hospital. hehe, sa akin kasi katabi lang ng workplace ko yung hospital kaya no problem...

depende sis ako mag ML kapag na admit na ako sa hospital πŸ˜…πŸ€£ Pwd ka naman magfile ng Leave of absence no pay habang hnd ka pa nanganganak then ML kapag nanganak ka na.

Depende. Nagfile ako ng maternity 2weeks before EDD. Sakto, nanganak din ako ng maaga. 2 weeks din before due date.

TapFluencer

Depende if kaya mo pa pumasok a week before edd mo. Ako CS schedule by Nov.11 pero Nov 7 pa ako leave.

same tayo EDD dec 19 ang plotted mat. leave ko 😁

pwede nga dec 19 nalang ako mag leave if ever

Trending na Tanong

Related Articles