Good morning mommies! Namomroblema ako simula nung nag quarantine balik sa dating gawi si LO sa pag ligo since si mama naniniwala sa mga kasabihan etc. Kaya nabuburyo ako hindi ko alam pano sasabihin na dapat araw-araw maligo ang Baby lalu na uso ang virus ngayon at awang-awa ako sa baby ko kasi baka lumala pa mga rashes niya. Nasstress ako sa tuwing sinasabihan ako na siguro ang sikip ko daw mag lagay nang pampers or di ko raw kasi pinapatakan nang gatas ko. Sa isip-isip ko naman kasi nga ang lagkit lagkit na niya kapag di Naliligo tapos papatakan kopa. Every other day siya maligo pero kapag nasa work sila mama araw-araw ko talaga siya pinapaliguan. Simula nung inistop ko yung pag araw-araw na ligo niya since patakas lang mga yun, nagkaka rashes na siya. Single mom po ako kaya pabigat pa sa mga magulang. Hayst. Nakaka stress, kutis bondpaper pa naman anak ko tapos nag kakarashes tapos sakin ang sise. Everytime na ganun hindi nila alam na feeling ko mabibinat ako dahil sa mga lintek na kasabihan na yan. (Sorry for the word, naiinis lang ako sa ibang kasabihan nang matatanda sa baby) buti sana kung papakinggan ka nila. Ang hirap lang ako yung nanay pero hindi ako yung nasusunod. Mabibinat ata ako sa sobranf frustrations.
bi