My Baby Akeisha

Good morning everyone mga ka momsh. Ask ko lang po bakit ganito yung baby ko may mga lumalabas na kung ano² sa katawan niya. Nag simula po kasi ito nung nag ngingipin siya 5 months siya nagsimulang tinubuan ng ngipin dalawa sa baba tapos yun na may mga tumutubo na sa katawan niya. Na agapan naman namin siya nung pina check up namin sa doctor binigyan kami ng gamot na ceterizine at antibiotics then nawala na. At bumalik ulit nung lumabas na naman yung dalawang ngipin niya sa ibabaw nung 7 months siya. Ngayon 4 na ngipin niya . 8 months napo baby ko. Gawa ng pandemic dko pa napapa check up yung baby ko dito saaming probinsiya dahil busy ang mga doctor at nurse dahil vaccination. Ano pong gagawin ko. Yung mga bagong lumalabas sa katawan ng anak ko is bukol then nawawala din naman few weeks. #1stimemom #firstbaby #pleasehelp #advicepls

My Baby Akeisha
1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

baka po may nakakain syang allergy sya. or mga insekto po na kumakagat. wala naman po kasing connect ang teething sa mga rashes lalo na po sa part ng rashes ni baby na malayo sa bibig