Please save my Baby🙏

Good evening po. Tanong ko lang po sana kung normal po yung sobrang sakit ng puson to the point na napintig na po yung pwerta ko parang maylalabas na po tapos pag naglalakad, naubo, nabahing at natawa masakit po sa puson. Para din pong ngalay lagi ang aking puson. Hirap na hirap din po akong bumangon sa sobrang sakit. Sabi po ng ob ko uminom po ng duphaston (pampakapit), sabi niya din po mahina ang heartbeat ng baby ko. Pwede daw po ako makunan. Pa advice naman po anong pwede ko pa pong gawin para maibsan ang sakit at masave po ang baby ko🙏😥 #1stimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby #9weeks2dayspregnancy

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

bed rest inumin po ung mga pinaiinom ni ob nyo.kain ka ng mga masustancyang pagkain.mag pray para mapanatag po😘alam ko d mawawala ang pag aalala ganyan din ako lagi ako nag woworry kahit iniinom ko mga gamot and vitamins and sinusunod ang advice n ob ko at nag prapray ako lagi.d po talaga mawawala ung pag aalala natin .pero dapat mas lamang ang oras na wag mag alala kesa sa nag aalala🙂

Magbasa pa
VIP Member

Mag bedrest po kayo, and iwasan muna maglakad lakad, tatawa ng malakas para di mapwersa si baby. Take your vitamins pa din. And sundin si OB. Pray lang po kayo, kausapin niyo din po si baby lagi.

magpray lng po kayo at sundin yung OB. hindi po natin control ang lahat e. ako po 2 beses nakunan. sobrang sakit po. pangalawang beses ko nung thursday 😭

VIP Member

bedrest ka po and tuloy nyo lang po pampakapit. Wag din po kayo masyado magworry kasi nakakastress po un

bed rest wag po magbuhat or gumawa ng kht ano .. literal na pahinga po ang need

Hala😭pray kalang be🥺 first time mom din ako pray lang mahirap mawalan😔

Relax ka lang and bedrest. Wag muna magkikilos masyado. Praying for you po.

bed rest mami. wag ka magpakapagod.

Ilng months na po tian nio momshie..

Related Articles