Nakunan
Good evening mga momshie. Tanong ko lang po kung ilang araw bago maligo ang nakunan? Sabi kasi bawal daw magbasa. Saka ano po ba yung mga bagay na dapat iwasan para hindi mabinat. Thank you po sa mga makakasagot. :)
Ako nung nakunan ako kinaumagahan naligo ako agad ng galing gripo nagalit byenan ko baka daw mabinat ako. Kinaumagahan pinaliguan nya ako ulit ng mga dahon dahon tapos 1month akong maligamgam na tubig panligo tapos di ako umiinom ng malamig. Sinunod ko nlng wala nmn mawawala.
Nun nakunan po ako sis advise po ni obgyne pde nman po maligo. Warm water lang po. Tungkol nmn po sa binat, wla din po syang cnb cguro po kc hindi po naniniwala ang mga OBgyne sa binat. Easy lang po sa pagkilos at bwal magbuhat sis. Plenty of rest na din po.
pareho din sa nanganak sis. wag muna magbuhat ng mabibigat at pass muna sa mga gawaing bahay ganun...pwede nman maligo atleast after 1 week, tiis muna sa sponge bath ng ilang araw...πππtsaka iwasan muna ang cold drinks..advice sa akin ni maderπ
Better to ask yung midwife sa health center niyo para sure. They will help you. Few advices, wag ka muna magbuhat, wag magtutok ng fan sa katawan better to let it swing. Wag muna magbasa. God bless.
1week bago ako nakaligo, wag papagutom, wag magbubuhat ng mabigat...... Iwas din sa stress sis.... Wag masyado magbabad sa cp... Sabi nila mas malala daw ang binat ng nkunan kesa sa nanganak....
sa experience ko po. 7days bago po ako naligo. then ganun din yung nga bawal same sa nanganak sabi po kasi mas matindi pa yung nakunan sa binat kesa sa nanganak.