Good day.last august nagpunta dito sa bahay ang biyanan ko at nakiusap sa amin na kung pwede ay kunin nila ung motor namin dahil hindi naman daw namin nagagamit.ang napag usapan ay bibilhin nila ito at huhulog hulugan na lng daw nila ang bayad sa amin dahil wala pa sila pera.pumayag kami ng mister ko at ibinigay namin ang motor.ang kaso december na hanggang ngayon ay hindi pa sila naghuhulog.ang sabi ng mister ko hayaan ko lng daw muna at baka wala pa silang panghulog at marami daw pinapakain ang stepfather niya.sa kanila din kasi nakatira ang kapatid niyang babae at tatlo netong anak.netong isang linggo lang napasyal kmi sa kanilang bahay at mayroon silang mga bagong gamit at madaming bagong damit.yun ba ang walang pera.hindi ko alam kung may balak pa ba silang magbayad.sisingilin pa ba namin sila o hindi na?