17 Replies
According sa pedia ko parang junkfood daw para sa baby ang mga processed mashed food like cerelac. Best na fresh fruits and veggies muna iintroduce sa kanila. Iboil and mash manually muna daw yung ibibigay na food. 5months pa lang baby ko so nagpeprepare din ako kung anong papakain sa kanya. Suggestion sakin ng pedia ko maginvest daw sa blenders or juicers kung tingin ko daw mahihirapan ako magmash ng pagkain ni baby tapos wag muna daw magmix ng sugar and salt :)
Mas ok po sana if fresh foods ang ibibigay as first food ni baby. Actually mommy mas makakatipid ka kasi kahit 5 pesos na kalabasa madami na pwede mo na ipakain kay baby for 3 days yon 😊 kesa sa cerelac or gerber bukod sa ma sugar e madaming preservatives and artificial flavors.
Last week start ni Baby ko eat solid food. Potato ang una ko pinakain kasi yun yung fresh sa binilhan ko then squash, native egg and now sweet potato naman☺ every 4 days ako nagpapalit ng kinain nya para malaman ko reaksyon ng tummy nya so far okay naman awa ng Dios.
Hays baby ko cerelac tsaka gerber first solid food niya nung baby, tama nga yung sabi ng oby ko na picky eater ang baby pag nasanay sa ganun. Ngayon ang hirap niyang pakainin.
Fruits and veggies over Cerelac which is considered na junk food. Dont introduce cerelac, magseselan at magiging pihikan sa pagkain anak mo
Di po advisable ng ob ko yan e😊 sbi nya imbes na cerelac,.. Itlog na nilaga nlng dw ang ipakain ko or mga veggies😊
Fresh fruits and veggies na pureed, softened or mashed po. Wag na cerelac para hindi maging choosey si baby sa food
Best as per pedia are veggies or fruits. Pag cerelac kasi, malasa masyado, magiging mapili si baby
Why not veggies and fruits? Dont opt for "easy" food. Invest in nutritious foods for baby.
Okay naman po. Pero much better sana kung Pureed veggies. 😊 Or pwede din paghaluin.