#Breastfeeding

,,,Good day po, tanong ko lang po bakit po kaya biglang hinto ng milk ko samantalang malakas naman po ang supply ng milk ko nung sunday po kse matigas ung right side at puno ng gatas then kinabukasan konte na bothside, nag aalala po ako kse hindi pa gaano sanay mag dede si lo 4 months palang po sya naiiyak po ako kse nagugutom sya halos patak patak lang po na dede nya saken. Panay naman po ako kain ng my sabaw at malungay at more on milo and tubig. Nagtataka po ako, pero nag pump po ako may nakukuwa naman po ako konte ngalang po, ano po ba dapat kong gawen mga sis help naman po ???

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, pano niyo po nasabi na konti or huminto yung milk niyo po? Ako din po kasi 4 months si LO, exclusive breastfeeding lang po kami. Pero hindi na tumitigas yung boobs ko and hindi na rin nagleleak. Pero okay naman po wiwi niya and naglalaway siya and may luha pag umiiyak. Signs po yun na enough pa po yung nakukuha niyang milk sa akin. Minsan naman po feeling ko di siya satisfied kasi umiiyak siya. Growth spurt lang pala.

Magbasa pa
5y ago

Same tayo sis, halos namamantsahan lang ung cloth diaper niya. Sabi po normal lang po wiwi na konti lalo na pag summer. Kasi naipapawis lang po ng baby. Nakakaworry na po pag within 6 hours walang wiwi at all si baby, ayun po possible problem na. Maaaring growth spurt phase naman po si baby kaya aburido pag nagdedede. Tiwala ka lang sa milk mo po mommy :) Nasanay na po kasi yung breasts natin i-produce kung ano lang need ni baby :) Post ng isang pedia na source ko po ng reply ko: https://www.facebook.com/107151280969156/posts/134751681542449/?sfnsn=mo

Related Articles