Lying-in Clinic

Good day po mga mommy, tanong lang po kailangan po ba kung saan tayo regular na nag papacheck up dun din po dapat manganak or pwede naman po sa ibang lying in? #FIRSTIMEMOMFIRSTBABY #respectthepost #TeamDecemberBaby

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako po actually nagpapacheck up sa ob hospital based at sa center. wala ako naging prob kase parehas lang na may lab. pero yung sa ob talaga ako, dun sa center naman nagpacheck up ako para may record ako para kay baby. si hubby mas gusto nya sa lying-in dahil daw ang mga kamag anak nyang babae dun lang nagsipanganak at mura. personally gusto ko talaga sa hospital sa maraming dahilan. di kasi natin hawak ang kapalaran natin e. kinoconsider ko yung mga what ifs. what if may emergency sa hospital din ang bagsak ko kaya dun na ako. risky dahil tyumempo ng pandemic pero kung ano lang kasi appointment ko yun lang at doble ingat.

Magbasa pa
2y ago

Agree po ako sa mga what if’s, mas gusto ko talaga sa hospital, same tayo gusto ng hubby ko at mother in law na sa lying in ako manganak kasi yung 2 ate nya sa lying in lang nanganak.

ang alam ko, pwede naman lumipat mi pero mostly ang mga doctor ayaw nila tumanggap ng mga late check up kasi wala silang records mo ng mga previews check up para may mga batayan sila, meron naman iba tinanggap nila basta mga around 6 or 7 months para magkarecord yun magiging bagong ob nila, hindi pwedeng on the spot if kailan manganganak na saka po lilipat

Magbasa pa

First time mom ka sis I suggest sa Hospital ka manganak wag sa Lying in. Kasi ang mahirap dyan sa lying ka nagpapacheckup tpos kapag nagka emergency dadalhin ka sa hospital which is mas mhal. If ako ikaw, Hospital. Alam mo naman sguru sa mga news noh mas risky ang first time pregnancy compared sa next pregnancy.

Magbasa pa
2y ago

Hi. I respectfully disagree. Depende yan sa lying-in. Katulad nitong lying-in sa'min. Complete lab and may 3 scheduled OB na affiliated din sa malapit na ospital. And, of course, pag CS automatic na sa affiliated hospital ka nila dadalhin. Ang issue sa first time moms ay kung doktor o midwife ba ang magpapa-anak, which is dapat doktor.

Pwede ka namang lumipat hangga't maaga, kso mas maganda kung sinong doctor ang nag-checheck-up sa iyo ng regular siya rin ang mag-papa-anak sa iyo kasi mas alam niya iyong situation ng pagbubuntis mo lalo kung high-risk ka ganyan. Kaya dapat hanap ka ng compatible na OB sa iyo mommy.

Yes po pwd po lumipat,, ako po s lying in nagpapacheck monthly,.. Pero nung nag 7mos npo ung tummy ko nag pacheck din po aq s ob ng hospital para if incase n nd kaya s lying in pwd aq s hospital ng ob ko manganak.. Pero tuloy parin po pacheck up ko s lying in..

2y ago

Opo, nag start ako ng 7mos magpacheck s ob kopo ng hospital para mi record po ako sa kanya atleast 3 months.. Iba parin po kz check up s lying in ng mga midwife.. At ng ob s hospital..

TapFluencer

ako sa Lying in ako nagpapacheckup nun pero nung 8months na ko tyaka ko nagpacheckup sa Hospital dahil sabi sakin di daw sila nagpapaanak ng Panganay sabi sakin sa lying in na pinagchecheckupan ko.

DIPENDE PO SAINYO. BASTA DALA NIYO PO LAHAT NG RECORDS NIYO. MAGPACHECK UP DIN PO KAYO SA LYING IN NA LILIPATAN NIYO. DIPENDE YAN SA SITUATION.

pwede naman lumipat basta dala mo latest ultrasound at labs mo. 8 mos na ko nung lumipat din sa ibang maternity clinic.

TapFluencer

Kung san po kayo ngpapacheckup kc they need your records po for reference

mas okay if saan m tlga balak manganak doon ka na magpcheck up mi.