Postpartum

Good day po, first time mom here. Kumusta po kayo mga ka-mommy? Ask lang po kung normal lang po bang parang napakaiyakin ko? Naiiyak ako na parang ako lang mag-isa, wala akong karamay, konting iyak lang ni baby kasalanan ko na. Lahat ng bagay inooverthink ko na. One time nga, medyo nagkaamoy yung leeg ni baby dahil siguro sa mga gatas, nalilinisan ko naman siya kaso medyo takot ako sa bandang leeg, sa ganyan parang kasalanan ko.. Sinisisi ko sarili ko. Ito habang nagtatype ako naiiyak nanaman ako. :(( Minsan napapatulala na lang din ako siguro sa pagod at puyat. Nababaliw na yata ako.. Ano po ba dapat kong gawin? Wala akong mapagsabihan. #firsttimemom #12daysoldbaby

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

momshie, ganyan din ako ako 10days postpartum iyak ako ng iyak for 3days sobrang lungkot di ko maexplain, iniyak ko lang hindi ko pinigilan nararamdaman ko tapos sinabi ko ky hubby para at least mailabas ko feelings ko. Baby blues daw tawag momshie